PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality ayaw nang bumalik sa TV show dahil sa co-star

Showbiz personality sa co-star: “Hindi maganda ang ugali niya.”
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2025
blind item showbiz personality co-host
PHOTO/S: Canva

Ayaw nang bumalik ng kontrobersiyal na showbiz personality sa isang TV show dahil hindi niya nagustuhan ang ugali ng kanyang kasamahan sa programa.

Ipinagtapat ng showbiz personality na ayaw ng kanyang co-star na nasasapawan kaya nahihirapang kumilos ang showbiz personality at maingat na maingat ang pagbibitaw niya ng mga salita.

Read: Showbiz personality, nagpamalas ng kagaspangan ng ugali

Sa tuwing kinukunan ang kanilang mga eksena, ramdam na ramdam ng showbiz personality na hindi natutuwa ang kanyang co-star na ayaw na ayaw umanong nahihigitan.

“Hindi maganda ang ugali niya,” sabi ng showbiz personality tungkol sa kanyang co-star.

Pinili ng showbiz personality na huwag nang balikan ang TV show para na rin sa ikapapanatag ng kanyang kalooban, lalupa’t hindi naman daw siya nakikipagkumpitensiya sa sinuman.

Nagpakatotoo lamang daw sa sarili ang showbiz personality.

Iniiwasan daw niyang magkaroon ng kaaway at pagod na siyang manuyo sa mga taong banta ang tingin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktres, karibal ang co-star sa pinagpapantasyahang leading man

PEACE OF MIND OVER STRESS

Kailangang-kailangan ngayon ng showbiz personality ng trabaho dahil sa mga responsibilidad na kinakaharap.

Malaking tulong sana sa kanya ang regular exposure sa telebisyon, pero pinili niyang talikuran ang programa.

Para sa showbiz personality, mas mahalagang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang isip.

Ayaw na raw niyang manimbang at mistulang nakatungtong sa numero sa tuwing magkakasama sila ng kapwa-artista na ayaw masapawan kaya nagdesisyon siyang huwag nang balikan ang iniwanang programa.

Read: Sexy star, matagal nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results