Ang Wil To Win co-host na si Almira Teng ay maituturing na "life of the party" dahil sa kanyang bubbly personality at mahusay na pakikitungo sa mga tao.
Nag-umpisa si Almira bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA-7 noong Marso 2019.
Iilan ang nakakaalam na anak siya ng PBA player na si Alvin Teng at kapatid niya ang popular basketball stars na sina Jeric at Jeron Teng.
Beauty queen material si Almira at marami ang kumukumbinsi sa kanya noon na sumali sa mga beauty pageant, pero tumanggi siya dahil konserbatibo ang Filipino-Chinese family niya.
Read: Mark Herras, magkano ang TF sa muling pagkaldag sa gay bar?
ALMIRA TENG SHORT STINT ON WOWOWIN
Bago nagkaroon ng partisipasyon sa Wowowin, content creator at event host si Almira.
Nasubukan din niya na magtrabaho bilang publisher ng isang lifestyle magazine.
“Hindi ko in-expect na kukunin ako ni Kuya Wil na co-host kasi that time, lilipad ako sa Italy para sa shoot sa isang brand.
“Yun pala, bawal sa Wowowin ang paalis-alis, e, meron akong pinirmahan na kontrata bago ako pumasok noon sa show ni Kuya.
"Pumayag naman siya. That time, last day ko na sa Wowowin.
"Yun naman ang time na contestant si Hipon [Herlene Budol] ng "Wil of Fortune" so na-encounter ko pa siya," kuwento ni Almira.
Short-lived ang hosting stint ni Almira sa Wowowin dahil sa coronavirus pandemic.
Read: Mark Herras says no bad blood with Sparkle; still with GMA-7
ALMIRA TENG ON WIL TO WIN
Hanggang sa noong Setyembre 2024, nasorpresa si Almira nang makatanggap ito ng tawag dahil nakita ni Willie ang litrato niya sa isang social media post kaya inimbitahan siya na maging co-host ng Wil To Win sa TV5.
"Mga 2 P.M., may hangover pa ako. Tinawagan ako ni Kuya, kinausap niya ako. Sabi niya, ‘Tara na!’
"Sabi ko, sige join ako kuya. Gulat na gulat ako kasi wala akong ayos masyado, isinalang agad ako sa Wil To Win.
"Hindi ko alam na live, sa Novaliches pala ang studio tapos nagtuloy-tuloy na."
Sabi pa ni Almira sa pagkawala niya sa Wowowin noong pandemic, "Akala ko, tapos na ang television career ko.
Hindi niya pinalampas ang oportunidad na magbalik-telebisyon dahil na-miss niya ang dating ginagawa.
Malaki rin ang pagpapahalaga niya sa aniya'y kabutihan sa kanya ni Willie.
"Marami akong natutunan kay Kuya Wil. May times na pinagagalitan niya ako kasi maiksi ang attention span ko.
"Pero marami talaga akong natutunan kay Kuya.
"Thankful talaga ako sa kanya dahil sa mga natutunan ko, not just as a host but as a person.”
ON POSSIBLE ACTING STINT
Sa tanong kung gusto niya na maging aktres, sagot ni Almira, "Gusto ko siya i-explore pero feeling ko, hindi ako pang-artista.
"Puwede siguro ako, parang Alex Gonzaga na makulit dahil makulit talaga ako.
"Marunong ako kumanta, pero hindi ako singer. Kumanta nga ako ng 'Ikaw Na Nga' sa birthday dinner para kay Kuya Wil.
"May lumapit sa akin na government official, ini-invite niya ako na mag-perform sa isang event para kumanta.
"Sabi ko, 'Kuya Wil, nakaloko ako. Akala niya singer ako,'” natatawang kuwento ni Almira, na hindi tinanggap ang show na iniaalok ng government official dahil hindi naman talaga siya mang-aawit.