Sinagot ng tatlo sa walong miyembro ng BINI ang mga isyung kinasasangkutan nila nang dumalaw sila sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, Enero 31, 2025.
Ang popular P-pop girl group ang bisita ni Boy sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng kanyang afternoon showbiz talk show program sa Kapuso Network.
Dito ay nabigyan ng pagkakataon sina Aiah Arceta, Mikha Lim, at Maloi Ricaldo na linawin ang mga isyu tungkol sa kanila.
Read: PEP Most Influential 2024 P-pop Phenomenon: BINI

AIAH ON BEING LINKED tO JAK ROBERTO
May mga pilit na iniuugnay si Jak Roberto kay Aiah dahil nakunan sila ng litratong magkasama.
Pero nilinaw ng dalaga na yun ang una at huling pagkikita nila ng ex-boyfriend ni Barbie Forteza.
Read: Barbie Forteza announces breakup with Jak Roberto
“That photo, that was the very first time na I met him, and I didn’t know that he would be there.
"May kasama po ako diyan, they’re friends.
“Yun po, it was the very first time I met him and we didn’t get to hang out after, yun lang po,” paglilinaw ni BINI Aiah.
MIKHA ON INCOGNITO MODE OF BINI MEMBERS
Itinanggi naman ni BINI Mikha ang mga akusasyong yumabang na ang BINI.
Diin ni Mikha, “Naku po, hindi kami mayabang at all. And sa mga nagsasabi na snob kami, hindi naman.
“Hindi lang namin mangitian lahat, hindi namin matingnan lahat sa mata or, like, mag-hi sa lahat."
Nagpaliwanag din siya tungkol sa "incognito mode" ng mga miyembro ng kanilang grupo.
"Siyempre, nasa labas kami under… incognito mode.
“Siyempre we want to, like, be private.
"Siyempre, sometimes we won’t, like, to show na, ‘Ah it’s BINI Mikah.’
"Kasi siyempre, baka it will cause a commotion in the mall or something like that.”
Read: BINI embraces positive life shifts after phenomenal stardom
MALOI ON FAKE NEWS ABOUT BINI
Madalas biktima ng fake news ang BINI kaya hiningi ni Boy ang opinyon ni Maloi.
Tanggap daw ni Malou ang katotohanang may mga taong gagawa ng mga kasinungalingan na balita.
Saad niya: “Parang hindi na siya mawawala as public figure. Parang may mga tao talaga na gagawa at gagawa ng fake news about you.
“And feeling ko, it just shows na you are relevant.
"Parang you just go with your life, do what you do, just do what you love as long as wala kang natatakpan na tao.
"Yung fake news, nandiyan na yan, e, so parang masasabi ko lang, stop spreading fake news this 2025. Stop it.”
Muli ring pinabulaanan ni BINI Maloi ang fake news na nag-uugnay sa kanya at kay Rico Blanco.
Read: BINI Maloi shuts down dating rumor with Rico Blanco
“Siguro yung recently that Rico Blanco and I are dating,” sabi ni Maloi tungkol sa huling fake news na kinasangkutan niya.
“Actually, nung time na po yon, dun lang yung first meet-up namin ni Rico Blanco, and yung friends ko are friends din niya.
“Hindi ko alam kung paano nangyari yon. Siguro, may videos yung Blooms na in-upload sa X and then na-crop siya, screenshot na parang bad angle, so it just shows na parang nag-holding hands.
“In-upload sa Facebook, kumalat hanggang nagkaroon na ng mga headline.
"Nung nakita ko yon, nag-tweet po agad ako sa stop spreading fake news, kasi ayoko nang lumaki pa yung gulo. Gusto ko nang linawin agad.”