PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ella May Saison, tinanggap ang pagiging hurado ng Sing Galing

Ella May Saison, extended ang pananatili sa Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Jan 31, 2025
ella may saison sing galing
Original Philippine Queen of Soul Ella May Saison joins the judging panel of TV5's original videoke singing contest Sing Galing.
PHOTO/S: TV5

Dalawampu’t apat (2024) na taon nang naninirahan sa Amerika ang binansagang Original Philippine Queen of Soul na si Ella May Saison.

Pero matatagalan ang pamamalagi niya sa bansa dahil hindi niya natanggihan ang alok ng TV5 para maging isa sa mga hurado o Jukeboss ng Sing Galing, ang original video kantawanan show ng TV5 na muling mapapanood simula sa Marso 1, 2025.

Read: Ella May Saison picks her favorite Till My Heartaches End revival

Si Ella May ang karagdagan sa listahan ng Jukeboss.

Siya ang kauna-unahang ipinakilala sa tatlong mga mang-aawit na makakasama nina Randy Santiago, Allan K, K Brosas, Ethel Booba, Donita Nose, at Rey Valera sa Sing Galing na isa sa mga top-rating program ng Kapatid Network.

Read: Sing Galing! at Marimar, magbabalik sa TV5

Naniniwala ang TV5 management na magagampanan ni Ella May ang mga responsibilidad ng isang Jukeboss dahil sa mga karanasan at kaalaman niya bilang isang mahusay na singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ELLA MAY ENJOYS TAPING SING GALING

Ang "Till My Heartaches End" at "If the Feeling is Gone" ang dalawa sa mga kantang pinasikat ni Ella May noong dekada '90 bago siya nagpasyang manirahan nang permanente sa Amerika noong 2001.

Itinuturing ni Ella na isang pangarap na natupad ang pagpili sa kanya ng TV5 para maging Jukeboss ng Sing Galing, na napapanood lamang niya noong namamalagi pa siya sa Dallas, Texas.

Apat na episodes na ng Sing Galing ang natapos ni Ella at tuwang-tuwa siya sa tuwing may taping sila dahil masasayang katrabaho ang lahat ng mga kasama niya.

Ang Sing Galing ang unang regular na programa ni Ella sa telebisyon makalipas ang matagal na panahon kaya malaki ang pasasalamat niya sa pamunuan ng TV5 dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Original Philippine Queen of Soul Ella May Saison joins the judging panel of TV5's original videoke singing contest Sing Galing.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results