Kinabahan nang husto si Ashtine Olviga nang kunan ang kissing scene nila ni Andres Muhlach para sa Ang Mutya ng Section E, ang coming-of-age romantic-comedy series na napapanood sa Viva One.
Halaw ang serye sa bestselling Wattpad trilogy na isinulat ni Lara Flores.
May dahilan para kabahan si Ashtine dahil ang pakikipaghalikan niya kay Andres ang kanyang kauna-unahang on-screen kiss, at ginawa nila ito sa harap ng maraming tao.
“I was really nervous at first po especially it was my first on-screen kiss,” pahayag ni Ashtine sa panayam ng Cabinet Files.
Read: Andres Muhlach, tagumpay ang first solo project

FIRST ON-SCREEN KISS
Maraming kababaihan, pati na gays, ang naiinggit kay Ashtine dahil siya rin ang unang on-screen kiss ni Andres.
Sabi ni Ashtine, “Nahiya at na-conscious pa ako kasi ang daming makakakita. Thankfully, it went well naman po kasi we trust and respect each other.”
Ipinalabas ang pinag-uusapang eksena noong Biyernes, Enero 31, 2025, ang ika-limang kabanata ng kanilang original series.
Kinilig ang manonood ng Ang Mutya ng Section E, hindi lamang sa hindi nila inaasahang kissing scene nina Ashtine at Andres kundi pati na sa romantic scenes ng programa.
May mga nagkukumpara sa Ang Mutya ng Section E sa Diary ng Panget dahil sa mga eksena nina James Reid at Nadine Lustre.
Ang Diary ng Panget ang 2014 blockbuster movie na naglunsad at nagpasikat sa JaDine loveteam nina Nadine at James.
Read: Andres Muhlach gets serious about acting

Hindi lamang sa Pilipinas ang popularidad ng Ang Mutya ng Section E dahil pinapanood din ito sa ibang mga bansa.
Pruweba ang Tiktok videos ng serye na naka-dub sa iba’t ibang salita tulad ng Bahasa, ang lengguwahe ng mga taga-Indonesia.
Nadaragdagan na rin ang mga tagahanga nina Andres at Ashtine dahil legal na napapanood ang kanilang programa sa Amerika, Europe, Middle East, at Africa.
Maligayang-maligaya ang baguhang aktres dahil ipinagkatiwala sa kanya ang lead character sa Ang Mutya ng Section E, na katuparan ng pangarap niyang magbida sa isang proyektong kinagigiliwan ng mga tao.