Posibleng sampahan ng kaso si Kanye “Ye” West at ang kanyang asawang si Bianca Censori dahil sa eksena at publicity stunt na ginawa nila sa 67th Grammy Awards na ginanap sa The Crypto.com Arena, Los Angeles, California, nitong Pebrero 2, 2025.
Halos buong mundo ang bumabatikos sa dalawa dahil sa sheer dress o manipis na kasuotan ni Bianca na nagpakita sa maselan at pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Usap-usapan na maaaring ireklamo sina Kanye at Bianca ng indecent exposure dahil nakasaad sa California Penal Code 314 (1): "when a person exposes his or her naked body or genitals in front of anyone who could be annoyed or offended by it.
“To be found guilty, a person must 'intentionally expose your genitals or naked body; expose yourself in front of someone who might be offended or annoyed by it; intend to direct attention to yourself; and intend to sexually gratify yourself or offend someone else when you do it.'"
Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48
KANYE AND BIANCA, GATECRASHERS?
Ginimbal nina Kanya at Bianca ang publiko sa eksenang ginawa nila sa red carpet ng Grammys 2025, pero hindi nagtagal ang dalawa sa naturang pagtitipon.
Diumano, hindi imbitado ang nagpakontrobersiyal na mag-asawa kaya pinalabas sila ng mga nangangalaga sa seguridad.
May suot na fur coat si Censori nang dumating sila ni Kanye sa The Crypto.com Arena.
Inalis ito ni Bianca, sa utos ni Kanye, para ipakita ang kanyang hubad na katawan na natatakpan lamang ng nude mesh dress.

Nagalit ang mga nanonood ng 67th Grammys sa live stream dahil nabahala at nabastusan sila sa inasal ng mag-asawa kaya hiniling nila sa mga awtoridad na pagsabihan sina Kanye at Bianca.
Sa report ng Daily Mail, nagbigay ng impormasyon ang founder at lead analyst ng LipReader na si Nicola Hickling tungkol sa mga ipinagawa ni Kanye kay Bianca habang nasa red carpet sila.
"You're making a scene now," diumano’y sabi ni Kanye kay Bianca bago nito hinubad ang suot na fur coat sa harap ng mga miyembro ng media.
Tumango si Bianca at sinunod nito ang mga ipinag-utos ni Kanye na, “Make a scene, I'll say it'll make so much sense. Drop it behind you and then turn, I got you."
Read: Kanye West: Beck should give Grammy award to Beyonce
DID BIANCA CENSORI COPY KIM KARDASHIAN?
Si Kanye ang ex-husband ng socialite at popular media personality na si Kim Kardashian.
Pinararatangan si Kanye na pilit nitong pinatutularan kay Bianca ang pananamit at mga kilos ni Kim.
Noong May 2022, pinag-usapan si Kim nang dumalo siya sa MET Gala suot ang iconic sparkling skin-tight gown na isinuot ng sex symbol at legendary actress na si Marilyn Monroe sa birthday show para kay U.S. President John F. Kennedy, na ginanap sa Madison Square Garden, New York City, noong Mayo 19, 1962.
View this post on Instagram
Inihahalintulad sa eksena ni Kim — na hindi hamak higit na disente ang kasuotan sa MET Gala noong 2022 — ang publicity stunt ng kanyang ex-husband at ni Bianca.
Nakuha nina Kanye at Bianca ang atensiyon ng buong mundo pero sa negatibong paraan.
Kinokondena ang kanilang ginawang kabastusan, lalupa’t nakunan ng litrato ang isang batang lalaki na nakatingin sa halos hubad na katawan ng asawa ng takaw-kontrobersiyang rapper at producer.
Read: Kim Kardashian legally changes last name to West
