Nabawasan ang mga alalahanin ng isang aktres dahil absuwelto siya sa kasong perjury na isinampa laban sa kanya ng estranged husband niya.
Naghain ng kasong perjury ang asawa ng aktres matapos magsampa ng reklamo sa korte ang aktres noong 2024.
Paglabag sa Republic Act 9262 o The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ang isinampang reklamo ng aktres dahil sa diumano’y mga kalupitang naranasan niya noong nagsasama pa sila ng kanyang estranged husband.
Read: Showbiz personality ayaw nang bumalik sa TV show dahil sa co-star
Mariing pinabulaanan ng estranged husband ang testimonya ng aktres, pati na ng mga testigo nito, kaya nagdemanda siya ng perjury laban sa babaeng pinakasalan niya.
Pero nawalan ng saysay ang reklamo ng lalaki dahil ang aktres, na nakapagprisinta ng mga ebidensiya at testigo, ang pinanigan ng korte.
THE LEGAL BATTLE CONTINUES
Tuloy pa rin ang asunto ng aktres laban sa dating karelasyon dahil desidido siyang mabigyan ng katarungan ang mga masasakit na karanasan umano niya noong nagsasama pa sila at nagbigay sa kanya ng trauma na dala-dala pa rin niya hanggang ngayon.
Hindi pa handa ang aktres na magsalita tungkol sa kasong pinagtutuunan nila ng atensiyon ng kanyang legal counsel.
Pero masayang-masaya siya sa pagkaka-dismiss ng demanda laban sa kanya ng taong inakala niyang habambuhay na makakasama pero humantong sa iringan at hiwalayan.
Read: Showbiz personality, nagpamalas ng kagaspangan ng ugali