PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Non-showbiz personality, biktima ng leaked video scandal

Non-showbiz personality, may kutob kung sino ang nagpakalat ng sex video,
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2025
blind item non-showbiz personality
PHOTO/S: Canva

May balak ang isang male non-showbiz personality na magsampa ng kaso laban sa babaeng nakatalik niya dahil sa paglabas sa mga social media platform ng kanilang sex video.

Malakas ang kutob ng male non-showbiz personality na ang babae ang source ng maselang video.

Walang kamalay-malay ang biktima na palihim na kinunan ng babae ang kanilang pagtatalik, at nabigla ito nang malaman niyang ibinebenta at pinagpipistahan ng mga bumili ang kanilang sex video.

Read: Video scandal ng tatlong aktor, for sale for PHP150 each

May dahilan para magduda ang lalaking aktibo sa social media dahil, bukod sa kanya, kumalat at ipinagbibili rin ang mga sex video na nagtatampok naman sa ibang male showbiz personalities.

Iisang babae lang ang kasama nila sa eksena — ang babaeng nakatalik ng male non-showbiz personality.

Kumukonsulta na ang male non-showbiz personality sa isang abogado para sa kasong maaari niyang ihain laban sa babae.

Nakipag-ugnayan na rin ang male non-showbiz personality sa mga aktor na biktima rin ng leaked sex videos para sama-sama sila sa pagsasampa ng reklamo laban sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto rin ng mga aktor na magdemanda, pero nagdadalawang-isip sila dahil baka lalong lumaki ang isyu, maapektuhan nang husto ang kanilang mga pamilya at pribadong pamumuhay.

Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors

THE WOMAN'S MODUS OPERANDI

Ang babae ang gumagawa ng paraan para makapangbiktima ng mga prominent personality sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga private message sa social media accounts ng kanyang mga tina-target.

Kapag nakuha niya ang atensiyon at interes ng mga taong pinupuntirya at nais pagkakitaan ng pera, nagyayaya ang babaeng puntahan siya sa condominium unit na kanyang tinitirhan.

Hindi siya pumapayag makipagkita sa mga hotel.

Mas gusyo niya sa sariling condo dahil sa mga hidden camera na naka-set up sa kanyang kuwarto.

Walang kamalay-malay ang mga biktimang palihim palang kinukunan ang kanilang pakikipagtalik at ibinebenta ang videos nito sa mataas na halaga.

Read: Blind item: Kontrata ng aktor, gustong bilhin ng movie producer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results