PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Alejo gusto ng punerarya business

Pero sa ngayon, perfume business muna.
by Jojo Gabinete
Published Feb 8, 2025
Elijah Alejo
Kahit na nag-aaral ng pagka-doktor, gusto raw ni Elijah Alejo na magkaroon ng funeral business o punerarya. Bakit kaya?
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang magtayo ng negosyo na punerarya ang isa sa mga plano ni Elijah Alejo pero hindi ito suportado ng kanyang ina na si Maricel.

Ikinuwento sa Cabinet Files ni Maricel na 16 years old pa lamang si Elijah, sinasabi na nito ang pangarap na magkaroon ng negosyong funeral parlor na tiyak na malakas daw dahil marami ang mga namamatay.

“Dini-discourage ko siya,” sabi ni Maricel sa ekslusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Hindi raw niya ma-imagine na may kinalaman sa mga patay na tao ang inaasam na negosyo ng kanyang anak na nangangarap na maging doktor.

Kaya nga ipinagpapatuloy pa nito ang MedTech course, kahit abala sa tapings ng dalawang programa ng GMA-7, ang Cruz VS Cruz at ang youth-oriented program na Maka.

Elijah Alejo in Maka
Elijah Alejo outfit check para sa kanyang show na "Maka" sa GMA-7.
Photo/s: @itselijahalejo Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi naman ni Elijah sa Cabinet Files na gusto niyang magbukas ng funeral parlor business dahil, “Lagi ko pong naririnig na malakas daw po ang punerarya.

“'Tapos, konti lang ang nakikita ko pong ganoon [punerarya] sa lugar namin, kaya po talagang naisip ko siya.

“Hindi po ako takot sa patay. Mas takot po ako sa mga ghoster,” pahayag pa ni Elijah na desididong ituloy ang plano na funeral parlor business kapag nagkaroon na siya ng sariling bahay.

“May plano po ako, kapag nagkaroon na po ako ng sariling bahay saka po ako magtatayo para po hindi matakot si Mommy.

"Kasi sinasabi niya na, 'Ano ba yan? Saan mo itatayo dito sa bahay? Ano, matutulog tayo kasama ang mga patay?'” ani Elijah na inuna muna ang Haliya, ang sariling fragrance business niya na kanyang inilunsad nitong Sabado nang hapon, Pebrero 8, 2025, sa isang hotel sa BGC, Taguig City.

“Simoun, Ibarra, at Laura” ang tatlo sa mga pangalan ng fragrance collection ni Elijah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil ipinagmamalaki niya raw ang pagiging Pilipino at ang kagustuhan niyang magbigay-pugay sa iconic characters sa Jose Rizal novels na El Filibusterismo at Noli Me Tangere, at Florante at Laura ni Francisco Balagtas.

“Nag-based po talaga ako sa Filipino mythology, gods and goddesses.

“Ang napapansin ko po, sikat po ang mga mythological gods and goddesses pero ang mga sikat, sina Aphrodite, Zeus.

“Kumbaga, more on Greeks, Romans, Latins pero yung mga Filipino gods and goddesses, hindi po sila masyadong known, even locally.

“Mas kilala po nila si Venus pero kapag tinanong po sila about Bakunawa, wala po silang masyadong naisasagot.

Ang Bakunawa, ayon sa "Eclipse: The Story Behind The Bakunawa Myth" na na-publish sa Philippine Journal of Astronomy nung 2012 ay isang higanteng ahas na lumalamon sa buwan, ayon sa ancient Filipino mythology.

“So dun talaga ako nag-focus. Kung ano po yung Filipino mythological names na maaalaala po talaga,” paliwanag ni Elijah tungkol sa mga kakaibang pangalan ng kanyang fragrance line.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na nag-aaral ng pagka-doktor, gusto raw ni Elijah Alejo na magkaroon ng funeral business o punerarya. Bakit kaya?
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results