Sina Ruffa Gutierrez, Dimples Romana, Dominic Roque, Aubrey Miles, Troy Montero, Elisse Joson, Alexa Ilacad, at Miss Universe Philippines-Muntinlupa 2025 Winwyn Marquez ang mga showbiz personality na dumalo sa Thanksgiving Party ng Luxe Beauty and Wellness Group na pag- aari ng businesswoman na si Anna Magkawas.
Si Ruffa ang host ng programa na idinaos noong Sabado, Pebrero 8, sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City, samantalang award presenters sina Dominic, Aubrey, at Troy sa top-performing distributors na tumanggap ng parangal dahil sa malaking kontribusyon nila sa kumpanya ni Anna.
Nanggaling si Dimples mula sa Cebu City dahil binisita niya ang construction business nila ng kanyang asawa pero tumuloy siya sa Thanksgiving Party ng Luxe Beauty and Wellness Group para lamang mabati nang personal si Anna.
Masayang ibinalita ni Dimples na maganda ang takbo ng construction business nila ng asawa niyang si Boyet na isang Cebuano.
Sinabi ni Dimples na labingdalawang taon na ang nakalilipas mula nang itatag nila ang kanilang negosyo.
Inilahad naman ni Alexa na kasali siya sa musical play na Liwanag sa Dilim at itatanghal ito sa Mayo 2025.
Featured songs sa Liwanag sa Dilim ang mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco.
Ang dance number ni Winwyn ang isa sa mga highlight ng ginanap na Thanksgiving Party.
Si Anna ang local director ng Miss Universe Philippines-Muntinlupa at siya ang pumili kay Winwyn para maging kinatawan ng kanilang siyudad sa 6th Miss Universe Philippines na idaraos sa Mayo 2025.
Kaya lubos ang pasasalamat kay Anna ng 32-year-old actress na may isa nang anak.
Nang sumali at manalo si Winwyn ng Reina Hispanoamericana title sa Santa Cruz, Bolivia, noong Nobyembre 2017, ang “Tornado walk” ang kanyang pinasikat.
Sa muling pagsali ni Winwyn sa isang national beauty pageant, tinanong siya ng entertainment press tungkol sa klase ng paglalakad sa entablado na kanyang ipauuso.
“Siyempre, depende na yun sa fans,” ang sagot ni Winwyn na ipinauubaya sa kanyang mga tagahanga ang pagtawag sa “walk” na gagawin niya.
“I feel like I needed them to decide what kind of walk…what they want to call the walk because tornado walk came from them.
“So I think they just have to wait and see what I am going to do. If I tell you, it won’t be a surprise anymore.”