Naganap ngayong Lunes ng tanghali, Pebrero 10, 2025, ang contract signing sa pagitan ni MediaQuest Holdings, Inc. chairman Manny V. Pangilinan (MVP) at ng TV host na si Willie Revillame para sa gusaling ipatatayo nila sa lugar na nasasakupan ng TV5 sa Mandaluyong City.
Aabot umano sa anim na bilyong piso (PHP6 billion) ang halaga ng gusali na magkakaroon ng state-of-the-art studios, offices, at basketball court sa roofdeck.
Read: Willie Revillame, PHP1B ang halaga ng bagong property sa BGC
Sa panayam niya sa media matapos ang contract signing, ibinahagi ni Willie na "lifetime contract" ang partnership nila ni MVP.
Saad ng TV host, “This is a joint venture between our boss, MVP, myself. And I have a partner also, Atty. JP Padiernos.
“How can you say no to our boss MVP? It’s an honor na maging partner mo ang isang Manny Pangilinan. Malaking bagay ito para sa akin.
“This is not just for one year, two year or ten-year contract. Kumbaga, it’s a lifetime contract.”
Read: Willie Revillame, posible pa ring magbago ang isip

STATE-OF-THE-ART STUDIOS, BASKETBALL COURT
Inilarawan din ni Willie ang magiging layout ng gusaling ipapatayo nila.
“We have three studios. Pagbalik ko, yung studio ng Wil To Win, then may malaking studio for entertainment.
"And then the second floor, meron tayong offices.
“Yung seventh floor will be the basketball court wherein the PBA players can practice.
"Inaayos lahat, structurally.”
Inspiradong-inspirado si Willie dahil matutupad na ang kanyang pangarap magmay-ari ng sariling studio.
“Magkakaroon ka na ng studio na ikaw na ang may-ari, hindi yung nakiki-studio ka lang.
“Hopefully, by the end of the year, mailipat ko doon ang Wil To Win.
"And then, the two studios, ginagawa na.
“Ang pinaka-roofdeck nito is the basketball court, which is magandang basketball court.
"Para ka rin nasa Araneta Coliseum pero hindi ganoong kalaki. Parang pang-practice lang ng PBA players.”
Read: Willie Revillame, first time solong nagpalipad ng helicopter
Sinabi ni Willie na bukod sa state- of-the-art facilities ng gusali na hindi pa nabibigyan ng pangalan, titiyakin niyang "world class" ang mga studio.
Inaasahang maitatayo ito bago matapos ang 2025.
Ayon kay Willie: “If you’d notice, yung studio sa Novaliches, nag-invest ako doon, mga camera, the LEDs, the lights, sounds.
"So kapag lumipat ka sa bagong studio, siyempre mag-a-upgrade ka na naman. So, ganoon naman talaga.
“My point is, dapat yung mga kababayan natin, yung mga hindi nakakapunta sa ibang bansa, makakapanood sa Las Vegas, ito yung chance na makita nila kung ano yung napapanooran ng ibang mga mayayaman.
"Parang nakakapanood sila ng international shows sa isang napakagandang studio. Ang thinking ko, parang CNN or Fox studios.
“Saka yung studios, sa ground floor, para yung audience, hindi na sila aakyat. Sobrang praktikal."
Pagpapatuloy ni Willie, “Nung nag-meeting kami nina Ma’am Jane Basas and Ma’am Sienna Olaso [TV5 executives], hinihingi nila yung ideas ko.
"Sabi ko, maganda yan kung naka-separate ang news at entertainment, pero magkasama sa isang building para kapag nagkikita-kita kami, we know each other.
“And at the same time, magkakakilala kayo, at kahit papaano, isang family kayo.”
Nang matapos ang contract signing na naganap sa Meralco Building, Pasig City, dumiretso si Willie at ang kanyang mga business partner sa launch pad ng TV5 sa Mandaluyong City para sa ground breaking ceremony na simbolo ng katuparan ng pagkakaroon niya ng pag-aaring bagong gusali.
Read: Rufa Mae Quinto receives PHP1M cash from Willie Revillame
