PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chito Francisco, may patutsada sa "carwash joke" ni Alex Calleja

Carwash joke ni Alex Calleja sa Netflix, kinopya kay Chito Francisco?
by Jojo Gabinete
Published Feb 11, 2025
alex calleja, chito francisco
Veteran comedy writer Chito Francisco (right photo, with Manilyn Reynes) takes a swipe at stand-up comedian Alex Calleja (left) over the latter's "carwash joke" on his Netflix movie Tamang Panahon.
PHOTO/S: Instagram

No. 1 sa kasalukuyan sa Top 10 Movies sa Netflix Philippines ang Tamang Panahon, ang comedy special ng stand-up comedian na si Alex Calleja.

Masayang-masaya si Alex sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanyang palabas.

Pero nagkaroon ito ng isyu dahil sa reaksiyon ni Chito Francisco, ang seasoned comedy writer ng Pepito Manaloto at Bubble Gang, ang top-rating programs ng GMA-7.

Read: Why Alex Calleja thinks going viral can also work against stand-up comedians

tamang panahon netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHITO REACTS TO ALEX'S CARWASH JOKE

Sa isang bahagi ng Tamang Panahon, may biro si Alex tungkol sa carwash.

Bitaw ng comedian, “Natuwa ako may bagong bukas na carwash. Katabi lang namin.

“Tuwang-tuwa ako kasi walking distance lang siya. Hindi ko na kailangan magdala ng kotse.”

Nagkomento si Chito tungkol sa carwash joke ni Alex sa pamamagitan ng Facebook post.

Patutsada ni Chito, published as is: “Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko.

"Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin.”

chito francisco post
Photo/s: Screen grab from Chito Francisco Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang patotoo sa kanyang alegasyon, inilabas ni Chito ang Facebook post niyang may petsang Setyembre 24, 2019, na naglalaman ng kanya umanong carwash joke.

“Magpapa-carwash ako. E dahil malapit lang ang carwash, nilakad ko na lang. 'Di na ko nagdala ng sasakyan.”

Sa shared memory post noong Setyembre 24, 2023, muling ni-repost ni Chito ang kanyang carwash joke noong Setyembre 2019.

Kalakip nito ang mensahe niyang “Luma na ’to, puwede 'nyo nang gamitin. My bad”

chito francisco post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi binanggit ni Chito ang pangalan ng Pinoy stand-up comedian na inaakusahan niya ng “pagnanakaw” — na mas mabigat na salita kesa pangongopya — pero malinaw na patungkol ang kanyang FB post kay Alex.

Read: Balota ni Marian Rivera, No. 1 movie sa Netflix

ALEX CALLEJA THANKS NETFLIX VIEWERS

Hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Alex sa matinding paratang ni Chito.

Pero ipinaabot ni Alex ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tagasuporta na nagbigay umano ng inspirasyon para magsulat pa siya ng maraming jokes — pahiwatig na orihinal at hindi ninakaw ang kanyang carwash joke.

Post niya sa Facebook kahapon, Pebrero 10, 2025: “Number 1 ang comedy special ko sa Netflix, ang Tamang Panahon.

"Alam ko na sobrang lakas ng Incognito kaya babalik agad ito sa Number 1. Masaya na ako na nakatikim tayo ng Number 1. Maraming salamat po.

“Pero hindi lang pagiging Number 1 ang nagpaligaya sa akin. Ang mas tumagos sa puso ko ay ang mga feedback at mga messages niyo sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng comedy ko sa mga taong nanunuod. Ang sarap sa pakiramdam na sa maliit na paraan eh nagbibigay tayo ng ligaya sa mga Pinoy sa buong mundo.

“Ito ngayon ang nagsisilbing inspirasyon ko para magsulat pa ng maraming jokes at pagbutihin pa ang pagiging komedyante ko.

"Marami pong salamat sa inyong lahat! Patuloy po tayong tumawa!

"Alex Calleja

"Comedian - The Comedy Crew"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alex Calleja makes history as the first Filipino stand-up comic to perform at the Dubai Opera

CHITO FRANCISCO, VETERAN COMEDY WRITER

Bukod sa pagiging writer ng comedy programs ng GMA-7 na Bubble Gang at Pepito Manaloto, ang iba pang writing credits ni Chito Francisco ay ang mga pelikulang Trip Kita, Type Mo Ba? (1998), Fantastic Man (2003), at Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie (2009).

Ang iba pang shows na pinagsulatan ay ang Comedy Bar, Dear Uge, Laff ca,era Action, A1 Ko sa Yo, at Tsuper Hero.

Lumabas din siya sa popular segment noon ng Bubble Gang na "Ang Dating Doon."

ang dating doon
(From left) Cesar Cosme as Bro. Willy, Isko Salvador as Brod Pete, and Chito Francisco as Bro. Jocel in Ang Dating Doon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran comedy writer Chito Francisco (right photo, with Manilyn Reynes) takes a swipe at stand-up comedian Alex Calleja (left) over the latter's "carwash joke" on his Netflix movie Tamang Panahon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results