Pinanindigan ni Ryza Cenon ang pagkakaroon nito ng skinhead haircut mula nang magpakalbo siya noong Hunyo 2024 para sa karakter na madre na ginagampanan niya sa horror film na Lilim.
Bibihira ang mga babaeng binabagayan ng skinhead haircut, at kabilang si Ryza sa mga pinagpala dahil sa kanyang maliit at magandang mukha.
Read: Ryza Cenon, boluntaryong nagpakalbo para sa pelikula
REASON FOR SHAVING HER HEAD
In character si Ryza nang dumalo siya sa media conference ng Lilim na naganap noong Miyerkules, Pebrero 12, dahil nagpakalbo uli siya.
Pero isiniwalat ng aktres ang mas malalim na rason sa pagpapakalbo niya.
Paliwanag niya: “Mas komportable po ako ngayon sa kalbo. Hindi na po ako sanay na may buhok.
"Every time na maglalagay ako ng wig, hindi po ako sanay.
"Parang hindi ako yon kapag nagwi-wig ako. Naninibago po ako kapag may hair,” ang pagtatapat ni Ryza.
Tumanggap ng mga papuri si Ryza mula sa entertainment press dahil bagay sa kanya ang current hairstyle niya.
Hindi lamang si Ryza ang kalbo sa pelikula dahil nagpakalbo rin ang mga batang kasama niya sa Lilim.
Read: Ryza Cenon, nanibago sa wig pagkatapos magpakalbo

DREAM COME TRUE
Matagal nang pangarap ni Ryza na magpakalbo.
Natupad ito sa karakter na ginampanan niya sa Lilim dahil sa kagustuhang huwag malimitahan ang kanyang pag-arte.
Lahad niya: “Sa look test pa lang, napansin ko po na mahihirapan talaga ako sa prosthetic kaya ginawan ko po ng paraan.
"Kaya po ako nagpakalbo para hindi mahirapan.
“Para hindi po malimitahan ang galaw ko, yung acting ko.”
Read: Ryza Cenon moved by outpouring of support after shaving her hair
Nahirapan dindaw si Ryza sa pagbibitaw ng kanyang mga linya dahil may ibang paraan na gusto ang direktor na si Mikhail Red.
Nang itanong ng Cabinet Files ang kaibahan ng Lilim sa kanyang mga nakaraang proyekto, sinabi ni Ryza na kaunti lamang ang mga linya nito dahil mata sa mata ang pagganap na ipinamalas niya.
“Ang kaibahan po, hindi siya more on pasigaw na karakter na pino-portray ko po.
"More on mata-mata lang and wala pong masyadong lines so talagang mata acting po.”
Ang Lilim ay mula sa Viva Films at ipalalabas sa mga sinehan simula sa Marso 12, 2025.
Read: Alopecia Philippines lauds Ryza Cenon's bald initiative