PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayo Aguila, naranasang "masiko" ni Maricel at "tisurin" ng fans

Yayo Aguila, inaming nakipag-live-in kay William Martinez noong 16 lang siya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2025
yayo aguila maricel-william loveteam
Yayo Aguila on Maricel Soriano-William Martinez loveteam: “Hindi ako selosa, e. Para akong tanga, hindi ako selosa. Pero noon, naiisip ko na galit sa akin ang fans kaya ayaw rin ni Tito Dougs na lumalabas ako. Kasi yung medyo aggressive yung fans ng loveteam ng Maricel-William. Super! Talagang possessive sila."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Regal Films

Naranasan ni Yayo Aguila na “masiko” ni Maricel Soriano noong kasikatan ng loveteam ni Maricel at ng ex-husband ni Yayo na si William Martinez.

Isa ito sa mga amusing anecdote na ibinahagi ni Yayo sa panayam ng Cabinet Files sa aktres sa story conference ng pelikulang Isolated noong Pebrero 7, 2025.

Sixteen years old lamang si Yayo nang magsama o mag-live-in sila ni William, na sikat na matinee idol noong dekada '80.

Read: Yayo Aguila, four years na ang relationship sa non-showbiz guy

YAYO AND WILLIAM'S SECRET RELATIONSHIP

Lihim na lihim ang relasyon noon nina Yayo at William kaya walang lumabas na balitang nagsasama sila sa iisang bahay.

Inilihim ng dalawa ang pagsasama nila dahil sa kagustuhan ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano (Hulyo 24, 1944 – Hunyo 13, 2009) para hindi magalit ang mga selosang tagahanga nina William at Maricel.

Si Douglas ang discoverer at dating namamahala sa showbiz career ni William.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala, ayaw ni Tito Dougs, kasi height yon ng Maricel-William loveteam,” rebelasyon ni Yayo sa Cabinet Files.

“So, ako naman, okay lang na nakatago, kasi naiintindihan ko yung mga ganoon.

"At saka happy ako na inaalagaan ako ng mother-in-law ko."

Ayon pa kay Yayo, hindi siya nagseselos noon sa tambalan nina William at Maricel.

“Hindi ako selosa, e. Para akong tanga, hindi ako selosa.

"Pero noon, naiisip ko na galit sa akin ang fans kaya ayaw rin ni Tito Dougs na lumalabas ako.

"Kasi yung medyo aggressive yung fans ng loveteam ng Maricel-William. Super!

"Talagang possessive sila."

Read: Yayo Aguila weighs in on young stars disrespecting veterans

maricel soriano william martinez loveteam
Maricel Soriano and William Martinez during the height of their loveteam in the '80s.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YAYO AGUILA'S PERSONAL EXPERIENCE WITH MARICEL SORIANO

Personal daw naranasan ni Yayo ang pagseselos ng mga tagahanga nina Maricel at William sa tuwing isinasama siya ni William sa mga taping nito.

Naranasan daw ni Yayo na "masiko" ni Maricel at "halos tisurin" ng fans na hindi tanggap ang relasyon nila ni William.

Natatawang lahad niya: “Na-experience ko yon kasi itong si William, noong panahon na nag-2 Plus 2 [sitcom] pa sila, marami silang ginagawang movies, sabay-sabay, isinasama niya ako.

“Siyempre, andun yung Maricel-William fans.

"Naku, na-experience ko, kahit si Marya [palayaw ni Maricel]. Pero napag-usapan namin yun dati, tinatawanan namin.

“Nasiko na ako nun dati kasi ang point naman niya [Maricel], which is naiintindihan ko, 'Hindi ka dapat nagdadala ng girlfriend dito.'

“Kumbaga, balwarte nila yon.

"Ako, hindi ko alam yon kasi bata lang ako noon, e. Bago lang din ako sa showbiz."

Ayon kay Yayo, hindi naman siya nagkaroon ng trauma dahil sa karanasang iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman," sambit niya.

"Napag-usapan namin ni Marya yon, noon-noon pa, mga bandang '80s. Tinatawanan lang namin.

"Nasiko ako ni Marya at ng ibang fans nila. Halos tisurin ako.

“Sinasabi ko kay William noong time na yon, 'Pauwiin mo na ako. Huwag mo na akong dadalhin dito.'

"Kasi wala akong ginagawa. Mukha lang akong tanga.

“Bawal mo pa sabihin na mag-boyfriend kayo. Kung hindi pa kayo nasa set, hindi alam ng ibang actors.

"Pero I think nag-e-evolve naman as we go along. Nag-e-evolve yung panahon.”

Read: Yayo Aguila on being hailed the new "Laplap Queen": "Natutuwa ako na natatawa!"

YOUTHFUL LOOK

Ang hindi pagpatol sa mga kontrobersiya at ang mga positibong pananaw niya sa buhay ang maaaring mga dahilan kaya napanatili ni Yayo ang kanyang tila hindi nagkakaedad na hitsura.

Pero ayon kay Yayo, may mga pagkakataong dinidibdib nito ang mga nangyayaring hindi maganda pero hindi niya hinahayaang magtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Wala akong paki, hindi ko dinidibdib kahit ano.

"Pero may days din ako, a few times a year, may moments ako na nadidibdib ko, ako lang mag-isa.

"Mga two days, magsa-sulk ako. Tapos after noon, wala na.

“Natanong din ako tungkol diyan, tungkol kay William, yung mga pinagsasasabi niya sa mga interbyu.

“Sabi ko na lang, huwag na. Less talk, less mistake.

"Saka wala akong kailangan i-explain, wala akong kailangan i-prove."

Read: Yayo Aguila on ex-husband William Martinez: "Buhay niya, buhay ko, walang pakialaman."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila on Maricel Soriano-William Martinez loveteam: “Hindi ako selosa, e. Para akong tanga, hindi ako selosa. Pero noon, naiisip ko na galit sa akin ang fans kaya ayaw rin ni Tito Dougs na lumalabas ako. Kasi yung medyo aggressive yung fans ng loveteam ng Maricel-William. Super! Talagang possessive sila."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Regal Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results