Ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, 2025, nasaktan ang mga tagahanga at tagapakinig ni Mark London Guiling, aka Papa Marky, dahil makaraan ang dalawang dekada sa radyo, nagpaalam na siya bilang DJ ng Barangay LS (Love Stories) FM 97.1.
Si Papa Marky ang host ng programang Talk to Papa.
Ang Barangay LS 97.1 ang FM station ng GMA Network, Inc. na malaking bahagi ng buhay ni Papa Marky.
Nakilala rin si Papa Marky dahil sa favorite expression niyang “Aguyyy.”
Mabigat sa kalooban niya ang magpaalam pero kailangan bilang ang kinabukasan ng kanyang pamilya ang higit na mahalaga.
Read: Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper, goodbye na after 20 years

PAPA MARKY SIGNS OFF
Napaiyak si Mark nang magpaalam ito sa kanyang mga kasamahan sa Barangay LS FM 97.1 at sa mga tagapakinig niya, noong Huwebes, Pebrero 13, 2025.
“Mami-miss ko for sure. Isang malaking desisyon.
"It’s a big decision for me na sobrang pinag-pray ko, sobrang pinag-isipan kong maigi yung mga bagay-bagay,” pumatak ang luhang pamamaalam ni Papa Marky.
Dagdag pa niya: “Yung responsibility ko, not just for myself.
"Kumbaga, ang desisyon na ito, hindi lang for myself [but] for my family.
"Kumbaga, hindi na ako bumabata.
"Kung happiness din lang at saya, siyempre, Barangay LS. Gusto ko yung ginagawa ko.
"[Pero] hindi sapat na gusto mo lang.
“May family ako, may gusto din akong makuha, patunayan sa sarili ko.
"So, dumating na sa puntong ayoko naman ma-compromise yung trabaho ko dito sa LS.
"Kumbaga, aalis ako dito, No. 1 [ang] Talk to Papa, No. 1 ang Barangay LS.”
Read: Sam YG leaves radio station Magic 89.9 after 17 years

PAPA MARKY THANKS HIS LISTENERS
Para sa mga kapwa DJ ni Mark sa Barangay LS FM, malaking kawalan ang pagtalikod niya sa pinakamamahal na propesyon, pero suportado nila ang kanyang desisyon.
Sa kanyang pagpapaalam, nagpasalamat si Mark sa lahat ng mga tumangkilik sa kanya, kasunod ang bilin na patuloy na suportahan ang FM station na itinuring niyang pangalawang tahanan.
Aniya, “Thank you, yung mga nakinig siyempre from the very beginning. Continue to support not just Talk to Papa [but] Barangay LS.
“And kahit wala naman ako sa LS, I will continue to support. Kumbaga, nasa back ng camera pa rin ako.
"Nagma-market pa rin ako so makakatulong pa rin ako sa LS."
Read: Chris Tsuper opens up about leaving Love Radio after 20 years