Si Mayor Ceasar Soriano ng Siocon, Zamboanga del Norte ang producer at isa sa mga direktor ng In Thy Name, ang pelikulang pinagbibidahan ni McCoy de Leon.
Tungkol ito sa kabayanihan at kamartiran ni Fr. Rhoel Gallardo, na pinaslang noong Mayo 3, 2000 ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan.
Dating news reporter si Soriano ng ABS-CBN.
Kahit public servant na siya, adbokasiya niya ang paggawa ng true-to-life films dahil umiiral pa rin daw ang kanyang pagiging journalist.
“Why I do true-to-life films? Because I was once a journalist and still a journalist up to now,” pahayag ni Soriano.
Minsan na siyang naging biktima ng kidnapping, tulad ni Fr. Gallardo, kaya malapit sa puso niya ang kuwento ng pelikula.
"I was once a reporter of ABS-CBN, was kidnapped by the Abu Sayyaf in the mountains of Jolo, during the time of Charles Walton December 1993, an American linguist.
"Kasabay ng release ni Charles, ni-release din ako.
"Having been assigned in the different coverages during my stint as an ABS-CBN reporter, as news manager, as Mindanao bureau chief, I see the beauty of life with challenges that lahat ng victims ng kidnappings, military and Abu Sayyaf encounters.
"Paano sila nabuhay, nagpatuloy sa pamamagitan ng tulong ng kahit na sinong gustong tumulong para lang mabuhay?
"I am a witness of all these things, atrocities in Mindanao.
"Being a Mindanaoan, that’s the reason why all my stories that came out are based on these situations.”
Read: McCoy de Leon "pambawi" ang pagganap na pari sa kasamaan ni David
late FR. RHOEL GALLARDO lobbied TO BE A SAINT
Naniniwala si Soriano na may misyon ang lahat ng mga tao kaya isinalin niya sa pelikula ang kuwento ng buhay ni Fr. Gallardo.
Isinusulong na maging santo si Fr. Gallardo dahil hindi tinalikuran ng Claretian priest ang pananampalataya sa Panginoong Hesus at sa Simbahang Katoliko, na gustong mangyari sana noon ng Abu Sayyaf.
"Nakikita ko kasi ang pagiging isang nabigyan ng misyon ng Panginoon.
"In this life, we all have our missions, and I just don’t know why kahit napakamahal ng pelikulang ito, talagang may nagtutulak sa akin na tapusin ko, gawin ko ito. Kunin mo ang cast na ito, they can help.
"Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng hugot, but there is somebody really pushing me, ‘Tapusin mo ito, tapusin mo.’
"It’s a vision for me, and I am happy to be part of soon-maging saint na si Fr. Rhoel,” lahad ni Soriano.
Read: Elisse Joson's love letter defends McCoy de Leon from cynics
in thy name MOVIE PREMIERE
Hinihikayat niya ang mga manonood na suportahan ang premiere night In Thy Name na magaganap sa Basilan sa Marso 1, 2025.
"In Mindanao, we are all celebrating. On March 1, we’ll have our premiere there.
"Everyone in Basilan and Zamboanga Peninsula will be invited, the military, the hostages, all those who became part of my advocacy for peace, dadalo po silang lahat.
"I hope that this film could really inspire the Filipino people, sa lahat ng mga nawalan ng pag-asa since we are celebrating the Jubilee Year for the Catholics with the theme Pilgrims of Hope, Missionaries of Faith."