PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, bitbit pa rin ang trauma ng Wowowee tragedy

Willie Revillame, isiniwalat na apat pala ang anak niya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2025
willie revillame wil to win
Willie Revillame on Wowowee tragedy: "Sino ba ang may gusto na mangyari yan? Maaaring may mga lapses talaga. Nagkamali, humingi naman ng tawad. Pero ganoon talaga. Hanggang ngayon, humihingi pa rin ako ng tawad sa mga naulila.”
PHOTO/S: Wil To Win Facebook

Opisyal na nagsimula ang pangangampanya ni Willie Revillame bilang senador nitong Martes, Pebrero 18, 2025.

Ang mga siyudad ng Lucena, Quezon, at Lipa, Batangas ang mga pinuntahan ni Willie.

Kasama niya si Atty. JP Padiernos ng Galing sa Puso, ang party-list na sinusuportahan ng TV host.

willie revillame jp padiernos
Willie Revillame (right) with Atty. JP Padiernos (left) in Lucena City
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mainit ang pagtanggap sa dalawa ng mga empleyado ng Lucena City Hall at ng mga tao sa palengke na kanilang binisita.

Maligayang-maligaya si Willie dahil hindi nito inaasahan ang "rockstar welcome" sa kanya ng mamamayan ng Lucena at Lipa.

Read: Willie Revillame nag-homecoming show sa Cabanatuan City

LUCENA MAYOR MARK ALCALA ON BEING LINKED TO KATHRYN BERNARDO

Sina Mayor Mark Alcala at ang ama nitong si Vice-Mayor Dondon Alcala ang mga personal na nag-asikaso kay Willie at sa mga kasama nito sa Lucena.

Noong Hulyo 2024, inilabas ng PEP ang balitang nanliligaw ang 28-year-old mayor ng Lucena City kay Kathryn Bernardo.

Bunsod nito, nakatanggap ng mga reaksiyon at puna si Mark mula sa mga tagasuporta ng aktres at ng ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo

Ang isyu ng diumano’y panliligaw niya kay Kathryn, na tumanggap ng mga sari-saring komento, ang dahilan ng desisyon ni Mark na huwag magsalita tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tikom ang bibig ng alkalde nang tanungin ito ng Cabinet Files tungkol sa aktres na nauugnay sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Mark Alcala (@markalcala10)

WILLIE OPENS UP ABOUT HIS MOTHER and ESTRAnGED DAUGHTER

Mula sa Lucena, sumakay si Willie sa helicopter patungo sa Lipa City.

Nagulat ang mga taga-Lipa nang dumaan ang motorcade ng Wil To Win host dahil hindi inaasahan ng mga itong makikita nila nang personal si Willie.

“Pahingi ng jacket!” sigaw ng mga tao kay Willie dahil naging tatak nito ang pamimigay ng jacket sa kanyang game show at public-service program.

Matapos ang motorcade sa Lipa, bumalik si Willie sa Quezon City.

Dito niya pinanood ang eksklusibong panayam sa kanya ni Anthony Taberna.

Sa pag-uusap nila ni Anthony, maraming rebelasyon si Willie na hindi alam ng publiko, tulad ng pag-aalaga niya sa kanyang ina na walong taon nang comatose.

Kinuha ni Willie ang serbisyo ng mga nurse at caregiver na 24 oras nagbabantay at nag-aasikaso sa nanay niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matagal nang may karamdaman ang nanay ng TV host, at isa ito sa mga dahilan kaya patuloy siya sa pagtatrabaho.

Ipinagtapat ni Willie na apat ang mga anak nito.

Pero inilayo umano sa kanya si “Luisa” na matagal na niyang hindi nakikita.

Ikinuwento ni Willie na si Meryll Soriano, na anak niya sa kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec, ang kanyang panganay.

Pangalawa si Luisa. Hindi sinabi ng TV host kung sino ang ina nito.

Sinundan ni Marimonte, na anak niya sa isang dating karelasyon.

Bunso si Juamee, na anak ni Willie sa ex-wife niyang si Liz Almoro.

Read: Willie, may mini-reunion sa MTB hosts; nakipagsayaw sa mga anak

willie revillame with children and apos
Willie Revillame with his children and grandchildren
Photo/s: Meryll Soriano Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE WOWOWEE TRAGEDY

Inamin din ni Willie na hanggang ngayon ay bitbit niya ang trauma ng Wowowee stampede na nangyari sa Philsports Stadium (dating ULTRA), Pasig City, noong Pebrero 6, 2006.

Ang Wowowee (2005-2010) ay ang dati niyang noontime show sa ABS-CBN.

Ito raw ang dahilan kaya mahigpit siya sa kanyang mga katrabaho para hindi na maulit ang nangyari.

Saad ni Willie: “These soundbytes sa buhay ko, dala-dala ko hanggang ngayon.

“Ako lahat ang humarap sa pamilyang yon. Seventy-one dead people.

"Yung pinagdaanan ko, baka hindi ninyo alam kung gaano kasakit.

“Nung nagpunta ako sa squatters area na minumura ako. Sasaksakin ako dahil namatay ang nanay nila.

“There was also an incident sa Arlington [Chapel], may isang lalaki, nilusob ako.

"Papatayin daw niya ako kasi nanay daw niya, birthday nung araw na yon, ako pa ang pinuntahan.

“Biglang lumuhod sa akin, nagso-sorry ako sa kanya, 'Pasensiya ka na.'

“Sabi niya, ‘Mahal na mahal ka ng nanay ko, Kuya. Biro mo, nanay ko yan. Birthday niya, ikaw pa ang pinuntahan.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng TV host: “Meron akong dinalaw na isang patay, yung anak, 'Nanay, eto na si Kuya Willie, yung paborito mo!

"'Alam mo yung nanay ko, nagpa-manicure pa kanina yan, nagpa-pedicure, kasi baka raw magaspang ang kamay niya kapag hinawakan mo siya kasi labandera lang ang nanay ko.’

“Lumuhod ako sa lahat ng patay. Humingi ako ng tawad sa nanay, tatay.

"Sino ba ang may gusto na mangyari yan? Maaaring may mga lapses talaga. Nagkamali, humingi naman ng tawad.

“Pero ganoon talaga. Hanggang ngayon, humihingi pa rin ako ng tawad sa mga naulila.”

Read: Willie Revillame cleared of liability for "Wowowee" tragedy

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on Wowowee tragedy: "Sino ba ang may gusto na mangyari yan? Maaaring may mga lapses talaga. Nagkamali, humingi naman ng tawad. Pero ganoon talaga. Hanggang ngayon, humihingi pa rin ako ng tawad sa mga naulila.”
PHOTO/S: Wil To Win Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results