Pinadasalan at sinunog ang isang painting na ginamit sa mga eksena ng horror film ng Viva Films, ang Lilim.
Ito ay dahil umano sa mga kababalaghang nangyari sa set ng pelikulang pinagbibidahan nina Heaven Peralejo, Eula Valdes, at Ryza Cenon.
Idinetalye ng direktor na si Mikhail Red at ng production designer na si Ana Lou Sanchez ang nakapangingilabot na nangyari sa mga kabataang nakakita sa painting ni Lilith, ang tribal goddess na bahagi ng kuwento ng kanilang pelikula.
Read: Ryza Cenon pinanindigan na ang skinhead haircut
Lahad ni Mikhail: “When we were shooting, many children who saw the painting, and accidentally, natanggal yung cover, yung Manila paper.
“Natakot sila sa painting to the point na they had nightmares. Ganoon ka-horrific siguro yung imagery.
“I think yung isang kid, ipinaalbularyo pa para lang maka-recover from that vision of the painting that was haunting them.
"So, umabot sa point na yung production designer namin had to burn it to prevent further incident.”
Read: Deleter director Mikhail Red, bakit walang entry sa MMFF 2024?
THE MYSTERY OF "LILITH" PAINTING
Kabilang si Ana Lou sa mga lumikha kay Lilith.
Siya rin ang sumunog sa painting dahil ito ang payo ng albularyong hiningan nila ng tulong.
Paglalarawan ni Ana Lou sa painting: “It’s Lilith, para siyang tribal goddess, so we did that from scratch.
"We designed it, we sketched it out, so we really did it from scratch.
"And then, I don’t know what happened. Along the way, we stopped shooting.
"So, apparently, there’s this kid. It’s a retreat place so parang may group of kids na nag-retreat.
“For some reason, accidentally, na-unveil sa isang kid si Lilith painting.
"And from then on, the painting started haunting him in a way na parang nag-manifest yung story ng film.”
Nahirapan daw si Ana Lou na paniwalaan ang naganap na kababalaghan, pero siya mismo ang isa sa mga saksi.
Saad ng production designer: “It’s one of those things na you don’t know if you would believe it or not kasi, parang, 'Bakit nag-manifest sa yo yung story ng film, e, hindi mo naman alam?'
“Of course, I wanted to get a second opinion from people who actually know about this stuff. It doesn’t hurt naman to subscribe to it from the safety of everyone.
“Inalbularyo siya. She advised us to burn the painting after she performed a cleansing prayer.
“I think that was the freakiest moment of my life, yung cleansing prayer.
"Yung moment na yon, sabi ko, 'Let’s just do it. Let’s just burn the painting.'"
Kinunan ang karamihan ng mga eksena ng Lilim sa isang retreat house sa Quezon City.
Katabi ito ng columbarium na pinaglilibingan ng mga kilalang personalidad.
Nang magkaroon ng set visit ang ilang entertainment press sa shooting ng Lilim, sumaglit sila sa columbarium at may naramdaman din daw silang pangingilabot tulad ng naranasan ni Ana Lou.
Sabi ni Ana Lou: “It was not our intention naman to paint something demonic, pero maybe nag-manifest because yung location natin, if you walk two minutes here, in the columbary na.
"So, maybe ang dami nang na-attract.”
Read: Dalawang horror movies ng Viva, kalahok sa Sine Sindak 5