Nakipag-ugnayan si Ai-Ai delas Alas sa Cabinet Files dahil nakarating sa kanya ang balitang imbitado siya sa Bakery Fair 2025.
Ang Bakery Fair ay ang annual event ng Filipino-Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI) na magaganap sa World Trade Center Manila mula Marso 6 hanggang Marso 8.
Layunin ng Bakery Fair 2025 na higit paunlarin ang baking industry sa Pilipinas.
Read: Ai-Ai delas Alas at Rhian Ramos, imbitado sa Bakery Fair 2025

Ayon kay AiAi, hindi pa siya nakakatanggap ng imbitasyon mula sa FCBAI kaya ikinagulat niya ang balitang imbitado siya.
“Wala pa akong natatanggap na imbitasyon saka imposibleng makadalo ako dahil nandito na ako sa Amerika,” pahayag ni Ai-Ai sa Cabinet Files.
Bumalik ang Comedy Queen sa USA noong Pebrero 14, 2025.
Marami siyang mga dapat ayusin at asikasuhin doon matapos siyang hiwalayan ng asawa niyang si Gerald Sibayan, sa pamamagitan lamang ng mga text message, noong Oktubre 2024.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
Saad pa ni Ai-Ai: “Kung nasa Pilipinas ako, a-attend talaga ako sa event nila dahil gusto kong i-share ang kaalaman ko sa baking.
“Bukod sa ube pandesal, gumagawa na rin ako ng cheese bread.
"Nag-aral at nag-training ako noong nandiyan pa ako sa Pilipinas.
“Ang kaso, nasa U.S. na uli ako kaya malabo talagang mapuntahan ko ang Bakery Fair 2025.”
Nilinaw ni Ai-Ai na wala siyang natatanggap na imbitasyon dahil baka umasa ang mga dadalo sa Bakery Fair 2025 na darating siya.
Read: Ai-Ai delas Alas finds a "sideline" in her ube pandesal business
BAKERY FAIR 2025
Si Chris Ah ang bagong halal na pangulo ng FCBAI.
Ayon sa kanya, hindi basta ordinaryong pagtitipon ang Bakery Fair 2025.
“This event isn’t just an exhibition; it’s a catalyst for economic vitality, uniting pioneers and communities to create a sweeter, brighter future for all,” pahayag ni Ah.
Ang magagaling na bakers ng bansa ang magtatagisan sa The Bakers’s Cup na may mga kategoryang Flour Masters: Bread Baking Competition at The Cake Illusion: Hyper-Realistic Cake Art Competition.
One hundred fifty thousand pesos (PHP150,000) ang premyong matatanggap ng mananalo sa The Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition.
Read: Ano ang papel ni Cory Quirino sa pagbangon ng popular hopia brand na Eng Bee Tin?