PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler, umalma sa mga pekeng balita umano sa kanya

Baron Geisler, "maling-mali" umano ang mga lumalabas na balita sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 24, 2025
baron geisler tv5 news
Baron Geisler on alleged fake news about him: “Naapektuhan yung family ko so hindi ako papayag na gawin sa kahit na kanino ito kasi maling-mali talaga lahat ng mga lumalabas right now. So, kailangan ng hustisya para diyan, and the truth will come out naman very, very soon.”
PHOTO/S: News5 YouTube

Umapela ang aktor na si Baron Geisler na huwag paniwalaan ang mga kasinungalingang balita na lumalabas at kasiraan umano sa pagkatao niya.

Ito ay kasunod ng balitang inaresto at nakulong siya sa Mandaue City, Cebu, noong Sabado ng madaling-araw, Pebrero 22, 2025, dahil umano sa drunken distrubance.

Read: Baron Geisler breaks silence after being arrested in Mandaue for drunkenness

“I’m all well and don’t believe those lies po,” pakiusap ni Baron sa eksklusibong panayam sa kanya ni MJ Marfori ng News5 ngayong Lunes, Pebrero 24.

Sinabi ni Baron na kailangan niya ng hustisya dahil salat sa katotohanan ang mga balitang lumabas laban sa kanya.

Saad niya: “Naapektuhan yung family ko so hindi ako papayag na gawin sa kahit na kanino ito kasi maling-mali talaga lahat ng mga lumalabas right now.

"So, kailangan ng hustisya para diyan, and the truth will come out naman very, very soon.”

Sa kabilang banda, nagpaabot ng pasasalamat ang 42-year-old actor sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta‘t nagmamahal, huwag po kayong mag-alala, all is good,” pahayag ni Baron.

Read: Baron Geisler all praises for Incognito co-stars

THE ALLEGED INCIDENT

Naninindigan si Baron na mali ang mga balitang kumakalat tungkol sa diumano’y matinding kalasingan at pagwawala niya sa Mandaue City, Cebu, noong Sabado, Pebrero 22.

Ayon pa sa ulat, mismong sariling pamilya raw ng asawa ng aktor ang nagpaaresto sa kanya.

Nilinaw ni Police Col. Mercy Villaro, Public Information Officer ng Mandaue City Police Office, na nakalabas si Baron mula sa bilangguan ng custodial facility ng Police Station 6 matapos makulong ng ilang oras.

Dumating ang misis ng aktor na si Jamie Evangelista, at ito ang nagbayad ng multang nagkakahalaga ng PHP500.

Paglabag sa City Ordinance 11-2008-434 (drunkenness) ang reklamo laban kay Baron. Mabilis na kumalat sa internet at social media ang kanyang mugshot.

Read: Baron Geisler, malaking pasalamat sa kanyang blended family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPOTTED WITH DAUGHTER SOPHIA

Ngayong Lunes, Pebrero 24, dumalo si Baron sa story conference ng horror film na Tag-Ulan, na pangungunahan nila nina Mark Herras at Beauty Gonzalez

Namataan sa ginanap na story conference si Sophia Asistio, ang anak ni Baron sa aktres na si Nadia Montenegro, isang patunay na magkasundo at maganda ang relasyon ng mag-amang matagal na estranged sa isa’t isa.

Read: Baron Geisler, binati ang anak kay Nadia sa 18th birthday nito

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on alleged fake news about him: “Naapektuhan yung family ko so hindi ako papayag na gawin sa kahit na kanino ito kasi maling-mali talaga lahat ng mga lumalabas right now. So, kailangan ng hustisya para diyan, and the truth will come out naman very, very soon.”
PHOTO/S: News5 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results