Ikinatuwa ni Sandro Muhlach ang pagbasura ng Pasay City Metropolitan Trial Court sa motion to quash information ng independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.
Ito ay kaugnay ng rape through sexual assault na isinampa ni Sandro laban sa kanila.
Read: Sandro Muhlach: "Justice system has acknowledged the truth.”
Nakasaad sa resolusyon na nilagdaan ni Presiding Judge Elmer Joseph Guerzon: “The defense’s Motion to Quash Information dated 22 January 2025 is DENIED for lack of merit. "
Bunsod nito, natuloy ang arraignment at pre-trial sa kaso noong January 26, 2025.
Sa naganap na arraignment ay binasa kina Nones at Cruz ang mga akusasyon laban sa kanila.
"Not guilty" ang sagot ng dalawa, na naninindigang inosente sa akusasyon ni Sandro laban sa kanila.
Read: Sandro Muhlach camp lauds DOJ rape charges vs Nones, Cruz
SANDRO MUHLACH ISSUES STATEMENT
Ngayong Miyerkules ng hapon, Pebrero 26, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Sandro upang kunin ang kanyang reaksiyon sa naging desisyon ni Presideng Judge Guerzon.
Ikinatuwa ng panganay na anak ni Niño Muhlach ang desisyon ng korte.
Saad niya: “Of course po masaya kasi ito po yung pinag-pray ko ever since, yung matuloy yung rape through sexual assault case.
“Idinenay na nga po ni Judge yung motion to quash nila kasi ginagawa na nila [respondents] lahat ng delaying tactics."
Ayon pa kay Sandro, "nakabawi" siya matapos ibasura ng Branch 46 ng Pasay City Metropolitan Trial Court noong Pebrero 7, 2025 ang two counts ng acts of lasciviousness na isinampa ng Sparkle artist laban kina Nones at Cruz.
Noong Pebrero 7, 2025, pinanigan ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 46 ang motion to quash information na inihain nina Nones at Cruz para sa acts of lasciviousness na isinampa ni Sandro dahil bahagi na ito ng hiwalay na kasong rape laban sa kanila.
Read: Acts of lasciviousness case laban kina Nones at Cruz, na-dismiss
“Masaya po kasi sila nung ibinasura yung acts of lasciviousness.
"Ngayon, nakabawi po tayo sa rape through sexual assault.
"Tuloy na tuloy na po [ang pagdinig sa kaso],” pahayag ni Sandro.
Muling iginiit ni Sandro na itutuloy niya ang kasong isinampa laban kina Nones at Cruz hanggang sa huli.
Saad niya: “Kahit anong paninira, pambabaliktad yung ginagawa nila sa akin, ipaglalaban ko ito hanggang huli, kahit nag-plead sila ng 'not guilty.'
“Sino ba naman kasing criminal ang aamin pagdating sa ganitong cases?
“Kung hindi ko po makukuha yung hustisya, paano pa kaya yung ibang biktima ng sexual abuse?
“Para po ito sa lahat ng naabuso para hindi na po maulit sa iba.”
Read: Sandro Muhlach insists he will not agree to monetary settlement
NONES AND CRUZ CAMP REACTION
Nakakuha rin ang PE.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula sa legal counsel nina Nones at Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque kaugnay ng desisyon ng Pasay MTC.
Saad niya: "We filed also a motion to quash the information before the RTC for the crime of rape through assault and we received the resolution of the court yesterday denying it.
"Instead of filing a motion for reconsideration on said resolution, we decided to just proceed with the arraignment and pre trial today so we can fight the case on the merits.
"In today’s arraignment my clients entered the plea of 'NOT GUILTY."