PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo, binalikan ang pagsali noon sa "Lipad Darna Liit"

Heaven Peralejo, ikinuwento kung saan nakuha ang pangalan niya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 27, 2025
heaven peralejo fast talk
Heaven Peralejo first appeared on television when she joined the "Lipad Darna Liit" segment of defunct Kapuso morning show SiS in 2009.
PHOTO/S: GMA Network

Hindi ang Pinoy Big Brother: Lucky 7 ang unang TV appearance ng aktres na si Heaven Peralejo.

Bago pa man naging housemate si Heaven sa reality show ng ABS-CBN noong 2016, napanood na siya sa SiS, labing-anim na taon na ang nakalilipas.

Naging contestant si Heaven sa "Lipad Darna Liit," isa sa mga segment ng defunct morning program ng GMA-7, kung saan hosts ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen at si Carmina Villarroel, noong 2009.

Nagkaroon ng "Lipad Darna Liit" contest ang SiS para sa maliliit na batang babae dahil bahagi ito ng promo ng Darna, ang drama action-fantasy series ng Kapuso Network na pinagbidahan ni Marian Rivera.

Napanood ang Darna sa GMA-7 mula Agosto 10, 2009 hanggang Pebrero 19, 2010.

Kabilang si Heaven sa mga contestant ng "Lipad Darna Liit."

Read: Marco Gallo, Heaven Peralejo go public with their relationship

heaven peralejo lipad darna liit
Heaven Peralejo as a contestant of "Lipad Darna Liit" segment of SiS.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HEAVEN PERALEJO ON JOINING "LIPAD DARNA LIIT"

Si Heaven ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Pebrero 26.

Dito ay nahalungkat ang lumang video ng pagsali ni Heaven sa "Lipad Darna Liit" noong batang paslit pa lamang siya.

Nagkaroon siya ng re-enactment tungkol sa talent na ipinamalas niya sa kanyang paglahok noon sa patimpalak ng SiS.

Sa kasamaang-palad, hindi na nakaabot si Heaven sa semifinals ng "Lipad Darna Liit" dahil nag-quit siya.

Kuwento niya: “Gustung-gusto kong mag-Darna noon.

"And then, yung lola ko po yung gumawa ng costume.

"Nag-audition kami, naaalala ko, ang daming bata noon.

"Pero nung semifinals na, nag-give up daw ako kasi sa household namin, walang sumisigaw, walang namamalo.

“Sanay ako na kapag galit ang isang tao, tinitingnan lang ako, mata-mata lang, tahimik na ako. Okay na ako, naiintindihan ko na.

“Sa set pala, siyempre may mga sumisigaw siguro na direktor during that time, sa staff, hindi naman sa bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And so, parang ayoko na. Nag-give up ako.”

Bukod kay Heaven, sumali rin noon sa "Lipad Darna Liit" sina Ella Cruz at Elijah Alejo na mga artista na rin ngayon.

elijah alejo lipad darna liit
Elijah Alejo being interviewed by Gelli de Belen in "Lipad Darna Liit" segment of SiS.
Photo/s: GMA Network

THE MEANING BEHIND HEAVEN'S NAME

Bukod sa paglabas niya noon sa SiS, ikinuwento rin ni Heaven ang kasaysayan ng kanyang pangalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dati po kasi, dapat ang pangalan ko Michaela [that] stands for Michael, my dad, and Luanne, my mom.

“Pero during the time na lumalabas na ako sa katawan ng mom ko, parang nawawalan ako ng heartbeat.

"So, sabi nila, 'Naku, yung umbilical cord...' nakapulupot sa leeg ko.

“So, every time na itina-try niyang ilabas, nawawalan ako ng heartbeat.

"Sabi ng lola ko, 'Luanne, palitan mo yung pangalan ni Michaela, malas yan. Malas!’

“Sabi niya, ‘Heaven na lang.’ Para if ever na hindi ako mag-survive, at that time, pupunta ako sa langit.”

Si Heaven ang isa sa mga bida ng Lilim, ang horror movie na magbubukas sa mga sinehan sa Marso 12, kaya abala siya sa pagpo-promote ng kanyang bagong proyekto.

Read: Haunted painting na ginamit sa horror film na Lilim, sinunog

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo first appeared on television when she joined the "Lipad Darna Liit" segment of defunct Kapuso morning show SiS in 2009.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results