Nagkaroon ng lihim na pagtatangi sina Faith da Silva at Buboy Villar sa isa’t isa nang magkasama sila sa All-Out Sundays, ang weekly musical-variety show ng GMA-7, noong 2022.
Ito ang mga rebelasyon nina Faith at Buboy sa Your Honor, ang podcast program ng aktor at ni Tuesday Vargas.
Read: Buboy Villar buys SUV, thanks to his savings from pares food-cart business
Si Faith ang unang nagtapat na nagkaroon ito ng kakaibang pakiramdam para kay Buboy.
Pero walang ginawang aksyon ang aktor kaya nabalewala ang kanyang paghihintay.
Ang buong akala ng mga tao, magkaibigan lamang sina Faith at Buboy, pero iba na pala ang itinitibok ng puso ng aktres.
May binanggit din si Faith tungkol sa isang "kissing scene" na nagpatindi sa kanyang nararamdaman para sa dating child actor.
Read: Faith da Silva asked if she had relationship with Albert Martinez: “Nagustuhan ko siya.”

ODD COUPLE
May pag-amin ding ginawa si Buboy na posibleng maging dahilan para kainggitan siya ng mga kalalakihang nagpapantasya kay Faith.
Matatandaang tinutukso sa isa’t isa sina Buboy at Faith nang magkasama sila sa AOS dahil sa kanilang kinaaaliwang “BuFaith” loveteam.
Dahil "odd couple" ang dalawa, walang nag-isip na for real ang kanilang tambalan sa Sunday noontime program ng GMA-7.
Pinatotohanan ng staff ng AOS ang mga rebelasyon nina Faith at Buboy sa Your Honor dahil nasaksihan nila ang on-cam at off-cam sweetness ng magkaibigang may lihim noong pagtatangi sa isa’t isa pero natakot aminin ang katotohanan.
Mapapanood sa Sabado, Marso 1, 2025, ang aminang nangyari sa pagitan nina Buboy at Faith sa YouLOL YouTube Channel ng Your Honor.
Read: Who are the Kapuso stars primed for stardom this 2024?