Dalawampung taon na ang showbiz career ni Sam Milby ngayong 2025.
Makalipas ang dalawang dekada, saka lamang siya nagkaroon ng pagkakataong tumuntong sa bakuran ng GMA Network.
Nangyari ito sa guesting niya sa showbiz talk show na Fast Talk With Boy Abunda na mapapanood sa darating na Lunes, Marso 3, 2025.
Read: Sam Milby: "I think there’s also emotional cheating."
Nakangiting ikinuwento ni Sam kay Boy Abunda na "first time ever" na nakatapak siya sa Kapuso Network.
Ayon naman sa Fast Talk host, naging tradisyon sa kanyang programa na humahalik sa sahig ng studio ang mga bisitang bagong salta sa GMA-7.
Hindi makapaniwala si Sam sa kanyang narinig, pero ginawa niya ang sinabi ni Boy — lumuhod siya sa sahig at hinalikan ito.
Ikinabigla ng mga tao sa paligid.

Nang matapos ang panayam ni Boy kay Sam, ang TV host naman ang lumuhod at humalik sa sahig na ikinagulat ni Sam.

SAM SPEAKS UP ABOUT BREAKUP WITH CATRIONA
Isang hindi malilimutang karanasan ang unang beses na pagbisita ni Sam sa GMA-7.
Bukod sa paghalik sa sahig, wagas ang pagluha niya nang mapag-usapan ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-fiancée na si Catriona Gray.
Read: Sam Milby finally confirms breakup with Catriona Gray

Dapat panoorin ang pag-uusap nina Boy at Sam sa Fast Talk With Boy Abunda dahil hindi nakontrol ng 40-year-old actor ang kanyang emosyon na maaaring epekto ng matinding kalungkutang nararamdaman.
Kilala si Sam na mahusay magkontrol ng damdamin lalo na sa harap ng publiko.
Pero sa panayam sa kanya ni Boy, ibang Sam ang mapapanood dahil nagpakatotoo siya tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Catriona.
Naglabas din siya ng tunay na saloobin sa ekslusibong panayam sa kanya.
Read: Catriona Gray caught on cam crying at TJ Monterde's concert