Kumakalat ngayon ang video kung saan makikita si Willie Revillame na nilapitan ng isang lalaking may kapansanan ngunit lumayo ang TV host.
Dahil sa spliced video na ikinakalat ng kanyang detractors, pinaratangan agad si Willie na pinipili nito ang mga taong kinakausap.
Read: Sam Verzosa, sinagot ang mga patutsada sa kanya ni Isko Moreno
Kapirasong bahagi lamang ng video ang napanood ng netizens.
Kung mapapanood ang kabuuan ng video, maraming beses lumapit kay Willie ang lalaking may kapansanan na nagtitinda ng sampaguita at humihingi ng pera mula sa host ng Wil To Win.
Kinausap ni Willie ang lalaki at nagpaliwanag na kahit gusto niyang tumulong, bawal sa mga kandidatong katulad niya ang magbigay ng pera dahil baka maakusahan siya ng vote-buying, na mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections.
Si Willie ay tumatakbong senador ngayong 2025 elections.
Humingi ng pasensiya si Willie at pinaabutan ng T-shirt ang PWD.
Tinanggap naman ng PWD ang kanyang paliwanag.
Pero sa viral video, pinalabas na iniwasan at nilayuan ni Willie ang lalaki.
Read: Showbiz personalities na kumakandidatong senador, may advantage
BAD MOTIVE OF SOME CONTENT CREATORS
Personal na nasaksihan ng Cabinet Files ang nangyaring insidente sa harap ng isang restaurant sa Lipa City, Batangas, noong Pebrero 18, 2025.
Malinaw na may ibang motibo ang content creator na nag-upload sa social media ng spliced video ni Willie.
Dahil sa spliced video na kumalat at dahilan kaya nakakatanggap siya ng mga pagpuna at paninira, lalong naging maingat si Willie sa pagpapaunlak sa mga nagnanais mainterbyu siya.
Maraming beses nang nabiktima si Willie ng mga content creator na ilegal na ginagamit ang mga video ng TV appearances niya sa TV5.
Ine-edit ang mga ito at sinasadyang gawing negatibo ang kanyang imahe para magkaroon ng libu-libong views at sa ngalan ng monetization.
Muling naging biktima si Willie ng ilang content creators nang mainterbyu siya ng mga news reporter sa isang restaurant sa Pasig City matapos ang kanyang courtesy call kay Antipolo City Mayor Junjun Ynares.
Kinatay-katay ng content creators ang videotaped interview kay Willie para maging negatibo ito sa paningin ng netizens na madaling maniwala sa fake news.
Dahil sa nangyari, may ibang mga kandidatong tinutularan na rin ang desisyon ni Willie na maging maingat sa pagpapainterbyu.
Ito ay para makaiwas mula sa mga content creator na ginagamit sila sa pamamagitan ng paninira, gamit ang spliced videos.
Read: Willie at MVP, sanib-puwersa sa pagpapatayo ng PHP6B building