Ang Viva Entertainment founder at CEO na si Boss Vic del Rosario ang nagbigay ng pangalang GAT sa pinakabagong P-Pop boy group na binubuo nina Ethan David, Charles Law, Michael Keith, Derick Ong, at Hans Paronda.
Opisyal na inilunsad ang GAT sa Viva Café, Araneta City, Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, Marso 5, 2025.
Inilahad ng limang miyembro ng GAT na nagmula sa "Gatdula" ang pangalan ng kanilang grupo.
Noong unang panahon, "Gatdula" o "Gat" ang tawag mga Pilipinong ginoo na naghatid ng dangal sa bansa, gaya ng Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal at ni Gat Andres Bonifacio, ang kinikilalang Ama ng Katipunan at Himagsikan.
Read: BINI members in tears at ABS-CBN contract renewal
HOW GAT WAS FORMED
Si Ethan ang nagsilbing spokesperson ng GAT.
Siya ang nagpaliwanag tungkol sa tunay na kahulugan ng pangalan ng grupo nila.
“Ang pinaka-meaning po talaga ng GAT ay Gawang Atin ‘To, at si Boss Vic po mismo ang nag-isip.
"Gawang Atin ‘To, proudly Filipino made,” sabi ni Ethan.
Ibinahagi rin ni Ethan ang kuwento ng pagkabuo at pagsisimula ng GAT.
Lahad niya: “I’ve been starting singing po since I was eight years old.
"Then Viva got me as a solo artist and this is my third group actually.
“I am beyond grateful po kay Boss Vic for always giving me the chance to perform because it’s my first love."
Dagdag niya: “Nung sinabi po niya na makakasama ko si Michael, si Hans… ipinatawag po niya kami sa office.
"Sabi niya, ‘Gusto ninyo bang maggrupo?’
“Of course! Sino ba naman ang hindi magiging okay po na maging grupo?
"Si Charles at si Derick, nag-audition po sila sa Viva, kasi they’re actors.
"Ayun po, nakumpleto ang GAT."
Read: DAY6 gives the "time of our life" in Forever Young concert





GAT IS INSPIRED BY JAMES REID'S MUSIC
Ayon kay Ethan, ang kanilang musika ay inspired ng musika ng singer-actor na si James Reid.
Saad niya: “Ang pinaka-inspiration po namin ay James Reid type of music.
"Yung mga dati pong 2012 type of music, yung OPM na fresh sound na parang nanghaharana lang sa mga babae po.
“Gusto po naming ibalik yung suwabe, papakinggan mo lang, nagro-road trip ka.
“I would like to acknowledge, we have our brothers too, of course, Alamat. Iba po yung image nila sa amin.
"We really just wanna be able to give to people na puwede po kaming kumanta, sumayaw, and we can also act.”
Napahanga ng GAT ang P-pop fans noong unang buwan ng 2025 dahil sa kanilang pre-debut performance video.
Inawit ng GAT ang “Huwag Ka Nang Humirit” ni James Reid na binigyan nila ng panibagong sigla at suwabeng tunog.
Lalong pinag-usapan ng P-pop fans ang GAT dahil sa cover version nila ng “Marikit, “ ang sikat na kanta nina Juan Caoile at Kyleswish.
Pero nangibabaw nang husto ang grupo sa sariling bersiyon nila ng "Daleng-Dale," na ginamit na soundtrack sa Viva One hit series na Mutya ng Section E.
Ang "Daleng-Dale" ay nasa ika-walong puwesto sa Daily Viral Songs chart ng Spotify Philippines.
Sikat ngayon sa TikTok ang dance challenge para sa nabanggit na kanta.
Read: P-pop star JL Gaspar to debut in global boy group AHOF