Inaasahan ang pagbabalik ni Kim Atienza bilang co-host ng GMA-7 morning variety show na TiktoClock sa Miyerkules, Marso 12, 2025 — halos isang linggo matapos niyang masangkot sa motorcycle accident sa Maynila noong Martes, Marso 4.
Nabalian ng tadyang si Kuya Kim matapos tumilapon mula sa motorsiklo na kanyang minamaneho dahil iniwasan niyang mabangga ang isang asong biglang lumitaw sa kalsada.
Read: Kim Atienza grateful to God for "4th life" after freak accident
Dahil sa pinsalang tinamo, hindi nasipot ni Kuya Kim ang live telecast at taping ng TiktoClock noong Miyerkules, Marso 5, at Huwebes, Marso 6.
Ipinagtapat ni Kuya Kim sa publiko ang naranasang aksidente sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Huwebes, Marso 6.
View this post on Instagram
ON THE ROAD TO RECOVERY
Nakatulong sa mabilis na paggaling ni Kuya Kim ang mga pain medicine na ibinigay ng doktor, at ang kanyang pansamantalang pamamahinga mula sa pagsakay sa motorsiklo at sa mga trabaho niya sa TiktoClock at 24 Oras.
Pinasalamatan ni Kuya Kim ang lahat ng mga nagligtas at tumulong sa kanya nang mangyari ang aksidente.
Higit sa lahat, nagpasalamat siya sa Panginoong Diyos.
Mensahe niya: “God loves me so much. I could’ve broken spine or banged my head leaving me with grave injuries [or death] but all I have is a broken rib.
“I could’ve been run over in the dark if not for the off duty FEPAG [Fire Emergency Paramedic Assistance Group] boys stopping traffic for me.”
Sinabi rin ni Kuya Kim, “Nothing is an accident. Thank you for this Lord!”