Nagbabalik-pelikula si Arci Muñoz sa pamamagitan ng Sinagtala.
Kasama niya sa cast sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Glaiza de Castro.
Tungkol sa relasyon ng mga miyembro ng bandang Sinagtala ang pangalan ang kuwento ng pelikula.
Read: Arci Muñoz's credit card stolen during business-class flight; warns public about new modus
Sa media conference ng pelikula na ginanap sa isang hotel sa Quezon City nitong Martes ng gabi, Marso 11, 2025, napag-usapan ang mga awit ng buhay ng mga bidang artista.
Lumitaw ang pagiging avid K-pop fan ni Arci nang sabihin nitong paborito niya ang "Yet to Come (The Most Beautiful Moment)," ang kanta ng kanyang hinahangaang Korean boy band na BTS.
Read: Arci Munoz is the ultimate fangirl at BTS Las Vegas concert

“'Yet to Come' ng BTS kasi sila rin ang nagpapasaya sa akin,” rebelasyon ni Arci.
“Maraming times talaga na sinave ako ng BTS.
"Tapos malapit na silang lumabas sa military [training]. So, hey, gastos.
“Nagtatrabaho na po uli ako ngayon para may pambili ako ng ticket, may pambudol.
“Naniniwala ako na sa dami ng pinagdaanan ko, the best is yet to come and this is my year, na magiging blockbuster ang Sinagtala.”
Ipinagtapat ni Arci na nahirapan siya sa mabigat na karakter na kanyang ginampanan sa Sinagtala dahil malayung-malayo raw ito sa ugali niya sa tunay na buhay.
Read: Arci Muñoz hits back at netizen questioning her BTS fangirling trips
GLAIZA DE CASTRO SAVED BY MUSIC
Samantala, napaluha naman si Glaiza nang sabihin nitong musika ang nagsalba sa kanya mula sa kalungkutan kaya malapit sa puso niya ang Sinagtala.
“Bakit ako naiiyak?” nagulat sa sariling tanong ni Glaiza.
“Sorry, guys, feeling ko lang. May PMS ako ngayon so medyo emotional ako.
"Pero kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant sa akin.
“And para sa akin, gift talaga ni Lord sa akin, sa pamilya ko, kasi musically driven na family kami.
"So, parang every time lang na may struggle, talagang yung music ang nagpapasaya sa amin.
"Kaya parang itong pelikula na to, nung nakita ko, akala ko nga hindi ko na magagawa.
“Pero in-allow ni Lord na mapasama ako dito, makilala ko si Direk Mike [Sandejas] na matagal ko nang gustong makatrabaho,” lumuluhang lahad ni Glaiza.
Ipinagmalaki rin ni Glaiza na mga orihinal na kanta ang inawit nila ng co-stars niya sa Sinagtala.
Read: Glaiza de Castro reacts to Ken Chan facing syndicated estafa raps