PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Phillip Salvador reacts to ex-President Rodrigo Duterte's arrest

Phillip: “Walang jurisdiction ang ICC sa bansa natin. Pulitika talaga ito."
by Jojo Gabinete
Published Mar 12, 2025
phillip salvador rodrigo duterte
Phillip Salvador (left) on arrest of former President Rodrigo Duterte (right): “Basta kami, tuloy lang ang kampanya and like what PRRD always say, 'DO WHAT IS RIGHT!' Meron tayong mas MALAKING DIYOS! Hindi Niya pababayaan ang bansa natin. Malungkot ang sambayanang Pilipino, malungkot ang Inang Bayan. May God bless us all." Inset photo: Phillip gets emotional after finding out about Duterte's arrest.
PHOTO/S: Phillip Salvador / ABS-CBN News

Kabilang ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador sa nagpakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng Philippine National Police sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport, kahapon, Marso 11, 2025.

Nasa labas lamang si Phillip at ang kapwa niya Duterte supporters dahil hindi sila pinapasok sa loob ng headquarters ng Philippine Air Force.

Apektado nang husto si Phillip dahil nakunan pa ng larawan ang aktor na umiiyak habang inaalo ang kasamahan niyang si Lorraine Badoy.

phillip salvador
Actor and senatorial candidate Phillip Salvador comforting fellow Duterte supporter Lorraine Badoy after the arrest of former President Rodrigo Duterte.
Photo/s: ABS-CBN News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bihira nang magpaunlak ng panayam si Phillip, pero pinagbigyan ng award-winning actor ang kahilingan ng Cabinet Files na magbigay ng pahayag tungkol sa pag-aresto ng International Criminal Police Organization (Interpol) Manila kay Duterte, sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Nahaharap si Duterte sa kasong crime against humanity dahil sa kanyang kampanya laban sa droga na nagresulta sa kamatayan ng libu-libong bilang ng mga Pilipino noong nakaupo siya bilang presidente ng bansa, mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 22, 2022.

Read: Former President Rodrigo Duterte arrested on ICC warrant over drug killings

PHILLIP SALVADOR REACTS TO DUTERTE'S ARREST

Si Phillip ang isa sa mga malalapit na kaibigan at tagasuporta ni Duterte.

Tumatakbo siyang senador sa ilalim ng PDP-Laban, ang partidong pinamumunuan ng inarestong Pangulo, para sa pambansang halalan na magaganap sa Mayo 12, 2025.

Ngayong Miyerkules ng umaga, Marso 12, 2025, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Phillip para hingin ang kanyang reaksiyon tungkol sa pagdakip at mabilisang pagdadala kay Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte

“Sobrang pagod ang utak at katawan. I am so drained,” sabi ni Phillip sa amin.

Kasunod nito ay pumayag ang aktor na isiwalat ang saloobin, sa pamamagitang ng Facebook Messenger, tungkol sa naging kapalaran ni Duterte.

Saad niya: “Walang jurisdiction ang ICC sa bansa natin. Pulitika talaga ito.

“What a time to do this mockery two months before elections.

"Pinutulan kami ng ULO para ipakita na sila ang hari ng bansa, they can do anything at planadong-planado.

“Umalis silang lahat, nag-Amerika, saka nangyari ang lahat nang ito."

Ang "silang lahat" na tinutukoy ni Phillip ay ang administrasyong Marcos.

Ayon pa kay Phillip, sa kabila ng nangyari kay dating Pangulong Duterte ay tuloy ang kanilang kampanya.

“Basta kami, tuloy lang ang kampanya and like what PRRD always say, 'DO WHAT IS RIGHT!'

“Meron tayong mas MALAKING DIYOS! Hindi Niya pababayaan ang bansa natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Malungkot ang sambayanang Pilipino, malungkot ang Inang Bayan. May God bless us all," pahayag ng aspiring senator.

Read: Kitty Duterte on fighting mode after ex-President Rodrigo Duterte's arrest

WHY iCC ARRESTED DUTERTE

Iniimbestigahan ng ICC si Duterte dahil sa krimen umano nito laban sa sangkatauhan na ginawa niya habang siya ang nakaupo bilang Pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 22, 2022.

Binansagang EJKs—o ExtraJudicial Killings—ang mga pagkakapatay sa mga taong may involvement umano sa drug trade.

Ayon sa pna.gov.ph ng March 30, 2022, ang EJK figures ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay: "6,229 ang namatay sa isinagawang 226,662 anti-drug operations simula noong July 2016 hanggang January 31, 2022."

Ayon naman sa CHR (Commission on Human Rights) report ng November 2, 2021, ire-review nito ang "5,655 cases of anti-drug operations where deaths occurred including those being handled by the Administrative Order No. 35 Inter-agency Committee on Extra-Legal Series, Enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations to Life, Liberty and Security of Persons."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ICC ay itinatag noong 2002 sa The Hague, Netherlands, upang magsilbi bilang hukuman at huling paraan para sa mga malalala o matitinding pagkakasala, kabilang ang pagpatay sa lahi, mga krimen sa digmaan, mga krimen laban sa sangkatauhan at agresyon.

Nakikialam ang ICC sa mga usapin o krimen na hindi kaya o ayaw usigin ng mga hukumang pambansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador (left) on arrest of former President Rodrigo Duterte (right): “Basta kami, tuloy lang ang kampanya and like what PRRD always say, 'DO WHAT IS RIGHT!' Meron tayong mas MALAKING DIYOS! Hindi Niya pababayaan ang bansa natin. Malungkot ang sambayanang Pilipino, malungkot ang Inang Bayan. May God bless us all." Inset photo: Phillip gets emotional after finding out about Duterte's arrest.
PHOTO/S: Phillip Salvador / ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results