PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Honeylet Avancena, sasampahan ng PNP ng reklamong direct assault

Honeylet Avancena, hinampas umano ng cellphone sa ulo ang police officer.
by Jojo Gabinete
Published Mar 13, 2025
honeylet avancena direct assault
Honeylet Avancena (L), common-law wife of former President Rodrigo Duterte, may face a direct assault complaint for hitting a police officer with a cellphone during the arrest of Duterte on March 11, 2025. (R) The officer's huge blow on her forehead.
PHOTO/S: Instagram Story / Facebook

Direct assault ang reklamong isasampa ng Philippine National Police (PNP) laban kay Honeylet Avanceña dahil sa sinasabing pananakit nito sa isang babaeng miyembro ng Special Action Force (SAF).

Si Avanceña ang common-law wife ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa panel discussion na dinaluhan ng mga opisyal ng PNP at Department of Justice (DOJ) sa Malacañang Palace ngayong Huwebes, Marso 13, 2025, ipinakita ang video ng panghahampas ni Avanceña ng hawak nitong cellphone sa ulo ng isa sa mga arresting officer.

Read: Ex-President Rodrigo Duterte now detained at The Hague prison

Makikita sa video na napapaligiran ng arresting officiers si Avanceña at ang kanyang anak na si Kitty Duterte habang dinadala si dating Pangulong Duterte sa eroplano na magdadala sa kanya sa The Hague, Netherlands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas din ng PNP ang mga larawan ng arresting officer habang ginagamot ito.

Makikita sa mga larawang ito ang malaking bukol sa noo ng arresting officer.

Nangyari ang tinutukoy na pananakit ni Avanceña sa arresting officer noong Martes, Marso 11, ang araw na dinakip si Duterte sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa naglalabas ng reaksiyon si Avanceña at ang kampo nito tungkol sa reklamong ihahain ng PNP laban sa kanya.

Read: Former President Rodrigo Duterte arrested on ICC warrant

GENERAL TORRE ON ARRESTING DUERTE

Sa naganap na panel discussion, sinabi ni CIDG Chief Major Gen. Nicolas Torre III na tumanggi si Duterte gumamit ng wheelchair nang arestuhin ito.

Kinumpirma rin ni Torre ang panunulak umano sa kanya ni Avanceña at pang-iinsulto sa kanya ng bunsong anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte.

Mapapanood sa viral video ng pagdakip kay Duterte ang pagmumura ni Kitty kay Torre noong Marso 11 — na siya ring ika-55 kaarawan ng hepe ng Criminal Investigation and Detection Group.

Si Kitty mismo ang kumuha ng video at siyang nag-post nito sa kanyang Instagram Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang panayam ay sinabi ni Torre na nauunawaan niya ang 20-anyos na bunsong anak ni Duterte dahil bata pa ito.

Saad ng CIDG chef: “Ayos lang yon. I’ve seen worse.

"Kaya kumapal ang balat ko, sanay na 'to sa mura, e

"Natural, pagbigyan na natin. Bata pa, bata pa.

"Marami pa siyang maiintindihan sa mundo pagdating ng panahon."

Read: Kitty Duterte in fighting mode after ex-President Duterte's arrest

Hindi lamang ang video ng pagmumura ni Kitty kay Torre ang kumakalat dahil viral din ang mga video ng kumprontasyon sa pagitan ni Torre at ng pamilya, mga abogado, at security ni Duterte nang arestuhin ang dating Pangulo.

Sa isang video ay maririnig na sinabi ni Honeylet Avanceña habang nakikiusap kay Torre na hintayin ang anak ng dating Pangulo, si Vice-President Sara Duterte.

"Bigyan mo ng pagkakataon. Magdadala ng gamit.

"Grabe, deprivation naman, abuso naman yan. Hayaan mo lang makita ang tatay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Otsenta anyos," pagtukoy ni Avancena sa edad ng dating Pangulo.

Ngunit nanindigan si Torre na hindi makakarating ang iba pang mga anak ng dating Pangulo, pati na mga gamit nito, dahil hindi papapasukin ang mga ito sa Villamor Airbase.

@coachdjyc #dutertelegacy #duterte #tataydigong #fprrd???????????? #vpindaysaraduterte???????? #vpsara?????? #justice #fyp ? original sound - Coach YC

Sa isang video naman ay mapapanood na tila nauubos na ang pasensiya ni Torre dahil lampas na sa itinakda nilang oras, at pinipigilan pa rin ng mga kasama ni Duterte ang mga miyembro ng pulis na kunin ang dating Pangulo.

Makikita sa video ang paulit-ulit na pagsasalita ni Torre ng: “Hihilahin ko yan! Hihilahin ko yan. Naku, maniwala ka, hihilahin ko yan!”

@bry_news Hihilahin ko Yan! #duterte #trending #viralvideo ? original sound - Bry

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Honeylet Avancena (L), common-law wife of former President Rodrigo Duterte, may face a direct assault complaint for hitting a police officer with a cellphone during the arrest of Duterte on March 11, 2025. (R) The officer's huge blow on her forehead.
PHOTO/S: Instagram Story / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results