Hindi na itutuloy ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng reklamo laban kay Honeylet Avanceña, common-law wife ni former President Rodrigo Duterte.
“Not worth it, okay na ho yon,” sagot ni PNP-CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III nang tanungin ni Arnold Clavio ngayong Biyernes, Marso 14, 2025, kung itutuloy pa ng PNP ang paghahain ng reklamo laban kay Avanceña.

Kahapon, Marso 13, sinabi ni Torres na sasampahan nila ng reklamong direct assault si Avanceña dahil sa pamumukpok nito ng cellphone sa isang miyembro ng Special Action Force (SAF) na umaresto sa dating Pangulo noong Marso 11, 2025.
Read: Honeylet Avancena, sasampahan ng PNP ng reklamong direct assault
Inakusahan si Avanceña ng pananakit sa pulis, na nagtamo ng malaking bukol sa noo, nang dakpin ang dating Pangulo.
Inakusahan naman si Duterte ng crimes against humanity ng International Criminal Court (ICC).
Kasalukuyan siyang naka-detain sa ICC Detention Centre sa Schevingen, The Hague, Netherlands.
Read: Ex-President Rodrigo Duterte first hearing at ICC scheduled on March 14
POLICE OFFICER TO RECEIVE WOUNDED MEDAL
Samantala, sinabi ni Torre na pararangalan ng PNP ng Medalya ng Sugatang Magiting ang hindi niya pinangalanang babaeng pulis na nasaktan ni Avanceña.
Saad ng hepe ng Criminal Investigation and Detection Group: “Kausap na po namin yung pulis na napukpok sa ulo, pina-eksamin na namin.
"Sinisiguro namin na ligtas siya at walang permanent damage dahil medyo malaki nga ang bukol na tinamo niya.
"Pero ngayon ay bibigyan na namin ng Medalya ng Sugatang Magiting dahil ho yon, e, may kasama ho yong three days leave.
"Kaya mae-enjoy niya ang leave na yon dahil napukpok nga ni Honeylet sa ulo!"
Matapos ihayag ito, nakuha pa ni Torre pagtawanan ang nangyari sa babaeng sundalo.
Nagpasya raw ang police officer na huwag nang ireklamo si Avanceña dahil kasama sa panganib ng kanyang paglilingkod ang nangyari na pananakit.
Read: Fr. Flavie on Duterte: "Arrest is just a fraction of justice."
WILL TORRE FILE OBSTRUCTION OF JUSTICE VS MEDIALDEA?
Bukod sa hindi na pagsasampa ng reklamo laban kay Avanceña, biglang hindi na rin interesado si Torre na ireklamo ng obstruction of justice si Atty. Salvador Medialdea.
Si Medialdea ang dating executive secretary ni Duterte noong nakaupo pa ito bilang Pangulo ng Pilipinas.
Sa panel discussion na naganap sa Malacañang Palace noong Huwebes, Marso 13, 2025, sinabi ni Torre na inaresto at pinosasan niya si Medialdea bago ilipad si Duterte ng isang chartered private plane papunta sa The Hague, noong Martes ng gabi, Marso 12.
Lahad niya: “Winarningan ko muna si ES Medialdea, 'Sir, kapag hindi ka pa umalis diyan, hindi matatapos ito, dahil diyan, aarestuhin na kita ng obstruction of justice under PD 1829.'
“And he dared me! So, I read him his rights and asked him if he understood his rights.
"And when he said na na-affirm niya, naintindihan niya, ‘Sir, you are under arrest for PD 1829. Halika na, Sir.'
"So, pinosasan po at inalis.
“Noong makita ni PRRD iyon, kasi bumalik uli ako na inilagay ko siya sa bus, dala ko uli ang posas.
"Sabi ko, Sir, ito ang kasunod...'
"Susunduin ko sana si Atty. Delgra, pero umalis naman na sila at sumama na si PRRD."
Ang tinutukoy ni Torres na si "Atty. Delgra" ay ang legal counsel ni Duterte na si Martin Delgra III.
Balik sa panayam niya kay Arnold, tinanong si Torres kung sasampahan pa rin niya ng obstruction of justice si Medialdea.
Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte
Sagot ng PNP-CIDG chief, “Pag-iisipan ho natin pagbalik niya. Pero sa ngayon, I am not really bent on filing that case.”
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si Medialdea upang suportahan doon si Duterte, na haharap sa ICC Pre-Trial Chamber I ngayong Biyernes ng gabi, Marso 14 (Philippine time).