PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Karlos, bumisita sa lamay ng yumaong beauty queen sa Laguna

Juan Karlos, napaluha nang pirmahan ang framed photos ni Trisha Macalagay.
by Jojo Gabinete
Published Mar 16, 2025
JK Labajo visits wake for deceased student Trisha Macalagay
Juan Karlos (wearing a cap in right photo), tinupad ang binitiwang salita na dadalaw sa lamay kay Trisha Macalagay (left and right framed photo), ang yumaong student at beauty queen na biktima ng sunog sa isang unibersidad sa Laguna.
PHOTO/S: Courtesy of Macoy Fernandez

Panglulumo ang nagrehistro sa mukha ni Juan Karlos Labajo habang pinakikinggan nito ang kuwento ni Macoy Fernandez tungkol sa paraan ng pagpanaw ni Trisha Macalagay.

Si Juan Karlos ay kilala sa palayaw niyang JK, pero mas gusto niyang tawagin sa kanyang tunay na pangalan.

Si Trisha ang 22-year-old B.S. Biology graduating student, running for cum laude, na pumanaw dahil sa sunog na nangyari noong Huwebes, Marso 13, 2025, Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa Sta.Cruz, Laguna.

Read: Mga kaibigan ng yumaong beauty queen may hiling kay Juan Karlos

Si Macoy ang kaibigan ng ama at kapatid ni Trisha.

Personal na pinuntahan ni Macoy si Juan Karlos bago nagsimula ang concert nito sa Laguna Sports Complex noong Sabado ng gabi, Marso 15, 2025.

Naroon siJuan Karlos para sa pagtatapos ng Laguna Festival na Anilag.

Ang sadya ni Macoy: papirmahan ang mga larawan ni Trisha, na kilala ring beauty queen sa lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Juan Karlos ang paboritong mang-aawit ni Trisha.

Ang mapirmahan ni Juan Karlos ang mga larawan ni Trisha ang tanging kahilingan ng pamilya ng dalaga.

Pumatak ang luha ni Juan Karlos habang pinipirmahan ang larawan ni Trisha dahil naapektuhan siya nang husto sa malungkot na kuwento ni Macoy tungkol sa pagkawala ni Trisha.

Dahil sa sobrang kalungkutan, ilang beses huminto si Juan Karlos sa pagsusulat bago niya nakumpleto ang kanyang mensaheng "You are loved Trisha. With gratitude, Juan Karlos."

Labis na ikinalungkot ni Juan Karlos ang impormasyon na kung hindi namatay si Trisha, tiyak na isa ito sa mga manonood ng kanyang pagtatanghal sa Laguna Sports Complex.

Natagpuang walang buhay ang katawan ni Trisha sa comfort room ng ikalawang palapag ng gusali ng LSPU.

Bago nakita ang bangkay niya, umasa ang pamilya ni Trisha na buhay pa ito.

Inakala pang si Trisha ang hindi nakikilalang babae na dinala ng ambulansya sa ospital mula sa pinangyarihan ng sunog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakarating sa ibang bayan ng Laguna ang pamilya ni Trisha dahil sa paghahanap sa kanya.

Huli na nang malaman ng pamilya ni Trisha na hindi siya nakaligtas sa sunog at nasa comfort room lamang ng LSPU ang katawan niya na wala nang buhay.

Read: Juan Karlos naghandog ng awit para kay Trisha Macalagay

Juan Karlos MOURNS DEATH OF TRISHA MACALAGAY

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Macoy, na nagkuwento tungkol sa pagkikita nila ni Juan Karlos.

"I've just been so bugged about it the whole day. I mean, she’s so young as well,” ang reaksyon daw ni Juan Karlos nang malaman nito ang kuwento ng trahedyang sinapit ni Trisha.

Kaya nang malamang paborito siya ni Trisha, nagdesisyon daw si Juan Karlos na isama sa lineup ang cover niya ng "Through The Years," na tema sa nag-trending na Netflix film na Lolo and The Kid (2024).

"I heard one of the songs that I made a cover of, she loved that song, 'Through the Years,' so we’ll perform that.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And I told the management that I wanna pass by the wake just to say hi to the parents.

"My heart is broken, honestly," pahayag ni Juan Karlos.

Direktang sinabi ito ni Juan Karlos kay Macoy nang puntahan siya ni Macoy para papirmahan ang mga litrato ni Trisha.

Kuwento pa ni Macoy sa Cabinet Files, inawit at inialay ni Juan Karlos kay Trisha ang mga paboritong kanta ni Trisha, ang "Through the Years" at "Buwan," sa isang bahagi ng pagtatanghal ni Juan Karlos sa Laguna.

Hindi raw napigilang mapaluha ng mga manonood dahil sa tagos sa pusong performance ni Juan Karlos.

Tinupad din ni Juan Karlos ang sinabi niyang dadalaw siya sa burol ng cremated remains ni Trisha.

Libu-libo ang nanood ng concert sa Laguna kaya nagkaroon ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar na pinagdausan ng concert.

Pero sa tulong ng mga pulis, mabilis na nakarating si Juan Karlos sa funeral home na pinagbuburulan ng mga labi ni Trisha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dito nakiramay si Juan Karlos sa nagdadalamhating magulang ng nasawing dalaga.

REACTION OF TRISHA'S FAMILY

Sa tulong ni Macoy, nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan ng pamilya ni Trisha na mapirmahan ang blow-up photos ni Trisha.

Lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Trisha sa panahong iniukol ni Juan Karlos para makidalamhati sa kanila.

JK Labajo pay respects to Trisha Macalagay, a student and beauty queen who was among the victims of a fire incident in Laguna
JK condoles with relatives of Trisha
Photo/s: Courtesy of Macoy Fernandez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kapatid ni Trisha na si MJ ay nagbahagi sa Facebook ng litrato ng pagbisita ni Juan Karlos sa lamay.

May caption at crying emoji ito, "Bunso, alam ko ang saya mo ngayon. 'Yung ngiti at kilig mo."

Ang matalik na kaibigan ni MJ na si Macoy ay nakaramdam ng saya na naging instrumento para kahit papaano ay maibsan ang lungkot ng naiwang pamilya ni Trisha.

Mensahe ni Macoy kay MJ: "Being a father of three and father to my two daughters, this is the least that I can do for your family.

"I can never bring back Trisha to you but for sure, we made her very happy last night.”

Macoy Fernandez and JK Labajo
Macoy Fernandez and Juan Karlos Labajo
Photo/s: Courtesy of Macoy Fernandez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Postscript. Ang Facebook post ni Macoy tungkol sa kagustuhan nito na personal na makausap at mapapirmahan kay Juan Karlos ang larawan ni Trisha ang naging basehan ng PEP sa report nito na nalathala noong Sabado at mabilis na nakarating sa kampo ng singer-actor.

Sa panayam kay Macoy ng PEP, ngayong Linggo, Marso 16, sabi niya, "It was a group effort from all of us, including PEP that led to this historical moment."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juan Karlos (wearing a cap in right photo), tinupad ang binitiwang salita na dadalaw sa lamay kay Trisha Macalagay (left and right framed photo), ang yumaong student at beauty queen na biktima ng sunog sa isang unibersidad sa Laguna.
PHOTO/S: Courtesy of Macoy Fernandez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results