Mag-iisang taon na ang relasyon ni Keanna Reeves at ng aspiring singer-actor na si Briant Scott Lomboy.
Marami ang hindi nakakaalam nito dahil natuto na raw ang sexy comedienne na gawing pribado ang kanyang personal na buhay.
Nalaman ng Cabinet Files na may relasyon ang dalawa dahil si Scott ang kasama ni Keanna sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Marso 17, 2025.
Guests si Keanna at ang kapwa niya former Pinoy Big Brother housemate na si Myrtle Sarrosa sa show ni Boy Abunda.
Read: Keanna Reeves admits it's harder now to score with guys: "May bayad na kasi."
Hindi inililihim ni Keanna na mas bata sa kanya si Scott, na 25 years old, pero magkasundong-magkasundo raw sila sa maraming bagay.
Ipinagmalaki rin ni Keanna ang pagiging responsable ni Scott dahil tumutulong daw ito sa kanya sa pagbabayad ng bills.
Kapwa raw desisyon ng dalawa na huwag ipangalandakan sa publiko ang kanilang pagmamahalan, pero hindi rin sila umiiwas na makitang magkasama.
Read: Keanna Reeves recalls working as escort girl; claims there are stars getting "pa-booking"
ON GETTING MARRIED AND HAVING A BABY
Nang itanong ng Cabinet Files kung may plano silang magpakasal, sinabi ni Keanna na hindi pa annulled ang kasal niya sa kanyang dating asawa na isang Duterte.
Janet Derecho Duterte ang tunay na pangalan ni Keanna.
Sinabi naman ni Scott na alam ng pamilya niya sa Biñan, Laguna ang relasyon nila ni Keanna.
Tanggap ni Scott na may mga mang-iintrigang peperahan o gagamitin lamang niya si Keanna, pero hindi siya apektado dahil wala umanong katotohanan ang mga paratang.
Dahil sa malaking agwat ng kanilang mga edad, biniro ni Keanna si Scott.
“Baka naman ma-AiAi ako, hanapan mo ako ng anak.
"Ngayon pa lang magsabi ka na sa akin, baka naman hanapan mo ako ng anak tapos ite-text mo lang na ‘Kailangan ko ng anak.’
“Ngayon pa lang, i-advance mo na,” nagbibiro pero may bahid ng katotohanang sabi ni Keanna na sinundan nito ng malutong na halakhak.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
SCOTT IS A PRODUCT OF GINOONG LAGUNA
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang pumasok si Scott sa showbiz at hindi siya nawawalan ng pag-asang darating din ang suwerte niya.
Nagsimula ang pagsubok ni Scott na pumasok sa showbiz nang manalo itong second runner-up, bilang kinatawan ng siyudad ng Biñan, sa Ginoong Laguna noong Marso 2019.
Si Scott, na graduate mula sa Colegio San Agustin sa Biñan City, ang karagdagan sa listahan ng Ginoong Laguna contestants na pumasok sa showbiz matapos lumahok sa naturang patimpalak.
Sinundan niya ang mga yapak nina Alden Richards, Jak Roberto, at Jeric Gonzales na pawang mga produkto ng Ginoong Laguna.
Read: Patrick Roxas, kinoronahan bilang Ginoong Laguna 2024
