Hindi maglalabas ng pahayag ang direktor na si Darryl Yap at ang legal counsel nitong si Atty. Raymond Fortun tungkol sa pag-akyat sa korte ng reklamong cyberlibel na inihain ni Vic Sotto laban kay Yap.
Read: Darryl Yap charged with cyberlibel over Pepsi Paloma movie teaser
Ayon sa kampo ni Yap, sapat na ang inilabas na information ni Assistant City Prosecutor Elvin Keith Barrios ng Muntinlupa Regional Trial Court kaya hindi na kailangan pa ng reaksiyon ng direktor.
Nahaharap ngayon si Yap sa kasong libel sa ilalim ng Article 353 and 355 of Revised Penal Code as amended, in relation to violation of Section 4 (C) (4) of Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ito ay nag-ugat sa kontrobersiyal na teaser video ng kanyang pelikula, ang The Rapists of Pepsi Paloma, na nakasisira umano sa reputasyon at pagkatao ni Vic.
Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
Sa teaser video na inilabas noong January 1, 2025, ipinakita ang eksena ng kumprontasyon sa pagitan ng mga karakter nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.
Si Gina ang gumanap na Charito Solis at si Rhed ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Pepsi Paloma.
Sa kanilang pag-uusap, tinanong ni Gina si Rhed: “Ipaliwanag mo sa akin! Magsabi ka sa akin! Ipaliwanag mo… dahil hindi ko naiintindihan! Pepsi, sumagot ka! Ni-rape ka ba ni Vic Sotto?"
Sagot ng karakter ni Rhed: “Oo!”
Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

NO WARRANT OF ARREST YET
Sa labingsiyam (19) na patung-patong na reklamong libel na inihain ni Vic laban kay Darryl, dalawa ang sumampa at labimpito (17) ang ibinasura ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office.
Sampung libong piso (PHP10,000) kada bilang ang ipinag-utos na piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Yap.
Diumano, wala pang warrant of arrest laban kay Yap.
Nakatakdang maghain ng piyansa ang direktor sa linggong ito.
Wala rin katiyakan kung kailan maipalalabas sa mga sinehan o streaming platforms ang The Rapists of Pepsi Paloma.
Read: Pepsi Paloma movie, hindi tuloy ang showing sa February 5