Kinumpirma ni Melanie Marquez sa Cabinet Files na binabalak na ng kanyang bunsong anak na si Abraham Lawyer na lumagay sa tahimik.
Si Abraham ang 21-year-old son ni Melanie at ng American husband nitong si Adam Lawyer.
Nakuha ni Abraham ang atensiyon at paghanga ng publiko nang suportahan niya ang pagsali ng kanyang kapatid na si Michelle Dee sa Miss Universe 2023 na idinaos sa El Salvador.
Dumami ang mga tagahanga ni Abraham dahil sa kanyang artistahing hitsura na naging daan para magkaroon siya ng TV guestings at product endorsements nang umuwi sila ni Michelle sa Pilipinas mula sa El Salvador.
Read: Get to know Abraham Lawyer, Michelle Dee's youngest brother

WHEN ABRAHAM MET KAYLAN
Noong Enero 2024, bumalik si Abraham sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Dito niya nakilala ang American girlfriend niyang si Kaylan Nesbeth.
Sa Instagram post ni Kaylan kahapon, Martes, Marso 18, 2025, inilabas niya ang mga larawan nilang magkasama ni Abraham.
Caption niya, “We are getting married.”
Nakipag-ugnayan kay Melanie ang Cabinet Files tungkol sa social media post ng kasintahan ng kanyang anak.
Kinumpirma niyang may plano nang magpakasal si Abraham.
“Plano pa lang naman. In love ang binata ko,” pahayag ni Melanie.
Hangga’t maaari, hindi raw nakikialam ang former Miss International sa lovelife ng kanyang mga anak.
Tinanong ng Cabinet Files kung payag siyang magpakasal si Abraham sa edad na 21.
Sagot niya: “For me, he’s still young. Well, I guess my son is trying to avoid temptations.
“As a returning missionary, he wants to stay strong to his faith and obey the law of God.
“Abraham is truly living with his covenant as a disciple of our Lord and savior Jesus Christ.”
Read: Melanie Marquez, nagulat sa balitang mag-aartista na ang anak na si Abraham Lawyer
Ang pamilya ni Melanie ay debotong miyembro ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints o Mormon Church.
Dalawang taong nagsilbi si Abraham bilang Mormon missionary sa Chile, mula 2021 hanggang 2023.
Nang matapos ang kanyang misyon, bumalik siya sa Amerika at sinuportahan ang pagsali ni Michelle sa Miss Universe 2023.
Read: Abraham Lawyer, kapatid ni Michelle Dee, interesadong pasukin ang showbiz