PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Munoz, sasagutin ang usap-usapan tungkol sa pagpaparetoke

Arci Munoz, sasagutin na ang katanungang ito: "Have you undergone surgery?"
by Jojo Gabinete
Published Mar 20, 2025
arci munoz then and now
Arci Munoz finally answers speculations about her beauty transformation through the years in her interview with Boy Abunda. Left photo was taken in 2005 and right photo this 2025.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jojo Gabinete

Ang muling pagbabago sa anyo ni Arci Muñoz ang napansin ng entertainment press sa media conference ng pelikulang Sinagtala noong Marso 11, 2025, pero walang naglakas-loob magtanong sa kanya.

Ang Sinagtala ang pelikulang pinangungunahan nina Arci, Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Matt Lozano, at Rayver Cruz.

Read: Arci Munoz admits setting a "high standard" for future husband

Tila handa nang magsalita si Arci tungkol sa pagbabago ng hitsura niya at naghihintay lamang ng magtatanong.

Pero hindi nangahas mag-usisa ang mga reporter na dumalo sa presscon ng Sinagtala kaya nananatili na lamang bulung-bulungan ang matagal nang espekulasyon.

Arci Munoz says she is single but happy
Arci Munoz at the Sinagtala presscon on March 11, 2025
Photo/s: Rachelle Siazon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARCI MUÑOZ FINALLY ANSWERS SURGERY RUMORS

Pero sa guesting ni Arci sa Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood sa Biyernes, Marso 21, tiyak na magugulat ang marami sa kanyang mga rebelasyon na kapupulutan ng aral.

Sinagot niya ang tanong ni Boy Abunda: "I know that this has not been talked about. Ito yung, 'Si Arci ba nagparetoke?' Have you undergone surgery?”

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinaliwanag ni Arci sa paraang mauunawaan ng mga tao ang mga dahilan ng malaking kaibahan ng mukha niya ngayon — kumpara sa kanyang hitsura nang sumali siya sa StarStruck: The Nationwide Invasion, ang reality-based artista search ng GMA-7, noong 2005.

Read: The beauty transformation of Arci Munoz from 2005 to 2017

arci munoz starstruck
Arci Muñoz as a contestant in the Kapuso artista search StarStruck in 2005.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang mga pagbabago sa pisikal na kaanyuan ni Arci ang napag-usapan nila ni Boy.

Sa kauna-unahan ding pagkakataon, nagsalita at nagkuwento siya tungkol sa dating relasyon nila ni Badi del Rosario, ang anak ni Prince Jefri Bolkiah ng Brunei.

arci munoz badi del rosario
Arci Munoz was in a relationship with Badi del Rosario, lead vocalist of Pinoy rock band Mr. Bones and The Boneyard Circus.
Photo/s: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Walong taon na ang nakalilipas mula nang wakasan ng dalawa ang kanilang relasyon.

Pero hanggang ngayon, hindi nalilimutan ni Arci ang maliligayang araw nila ng royal prince ng Brunei.

Detalyado niya itong ikinuwento sa panayam sa kanya ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda.

Read: Arci Munoz reveals breakup with Brunei's prince son

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Munoz finally answers speculations about her beauty transformation through the years in her interview with Boy Abunda. Left photo was taken in 2005 and right photo this 2025.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results