Walang pag-aalinlangang umamin ang aktres na si Arci Muñoz na nagparetoke siya ng mukha.
“Tito naman, obvious ba? OG na OG na nga ako diyan. Napapagod na nga rin ako. Sobrang pagod na ako!” natatawang reaksiyon ni Arci sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na umere ngayong Biyernes, Marso 21, 2025.
Read: Arci Munoz, sasagutin ang usap-usapan tungkol sa pagpaparetoke
Pero ipinagtapat din ni Arci na may pagsisisi siyang nararamdaman dahil sa pagpapaayos ng mukha.
Saad niya: “Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa akin 'tong mga ito. Kasi may mga regrets din ako pagdating diyan.
“Pero alam mo, sinabi ko talaga sa sarili ko, 'God has a purpose because I learned.'
"And when someone approaches me and they’re like, 'Mona, should I do this? Should I do that?’
"I was, like, if I think they don’t really need to do it, 'Nooo! No girl, huwag talaga. You’ll regret it, sige ka.'
“So ako talaga, 'Yun pala. Yun pala ang reason. Yun pala ang purpose.'"
Ramona Cecilia Datuin Muñoz ang buong pangalan ni Arci, at Mona naman ang kanyang palayaw.
Read: Arci Munoz admits setting a "high standard" for future husband

COMMON QUESTIONS TO ARCI
Tanong sa kanya ni Boy: “Ano yung madalas na itanong sa yo na sinasabi mong 'Don’t touch this. You can touch anything pero huwag ito'?”
Sabi ni Arci: “Palagi ang itinatanong, ‘Saan ka nagpaayos ng nose?’
“Sabi ko, 'Marami, e...' Hahahaha! 'Alin kaya dun? Wait lang… anong version?'"
Ang ibig sabihin ni Arci ay hindi lang siya isang beses sumailalim sa surgery.
Read: The beauty transformation of Arci Munoz from 2005 to 2017
Pagpapatuloy niya: "Kasi nga, Tito, gusto ko i-reinvent palagi din ang sarili ko kasi nga I am very spontaneous.
“So, kunwari maisip ko na parang… alam mo yung kasi… dati ito ha, pero ngayon less is more na talaga.
“Pati dati sa pagme-makeup ko, dati talaga, talagang black eyeshadow ako.
"Tapos kapag tinitingnan ko yung mga picture ko, ‘Oh my gosh, why did I do that?’"

Umayon si Arci sa sinabi ni Boy na kailangan ng isang mahusay na doktor ng mga nagbabalak magpaayos o magparetoke ng mukha.
Kasunod nito ang payo ni Arci sa iba na huwag siyang tutularan.
“That’s why I always tell them, 'You have to really think it through, okay? Huwag kang tutulad sa akin na talagang very…'
"Wala kasing nag-guide sa akin kasi nga matigas ang ulo ko so I do whatever I want.”
May regrets ba siya?
“If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there. Yeah.
"Pero since I already did it, I’m never gonna stop!” seryoso pero biglang nagbirong sagot ni Arci.
Kuntento na raw siya sa kanyang hitsura sa ngayon.
Aniya: “No! No! Kasi ano, baka sawa na sila sa version ko, e, 2025 na, 2020 pa rin nakita nila.
“Wala na. Okay na ako dito. Masayang-masaya, okay na ako...
"Ay, siguro ito… charot! Wala, okay na talaga.”