Hindi na pinayagang lumabas sa live telecast ng isang programa ang co-host na aktres dahil sa pangambang tuluyan na siyang magsuka.
Nangyari ang insidente kamakailan nang dumating sa studio ang aktres na matindi ang hangover dahil nalasing nang husto sa isang showbiz event na kanyang dinaluhan.
Ilang oras bago ang live telecast ng programa, nagpakita ang aktres ng sintomas ng pagsusuka pero pilit niyang pinigilan.
Read: Aktres, hindi inililihim sa mga kasamahan ang pagkakaroon ng anak
Ang production staff at ang mga kasamahan ng aktres sa trabaho ang nagpayo sa kanyang umuwi na lamang at magpahinga muna hanggang mawala ang kalasingan niya kesa malagay siya sa alanganing sitwasyon.
Nag-alala ang mga katrabaho ng aktres na baka magsuka siya habang nagaganap ang live show nila na mas malaking kahihiyan ang idudulot sa kanya.
Sinunod ng aktres ang payo, umuwi siya sa bahay at nangakong babalik na lamang sa hapon para sa taping ng mga episode ng kanilang TV show.
Pero hindi na nakasipot ang aktres dahil sa kanyang mabigat na pakiramdam.
At dahil hindi na siya nakapag-taping, malaki ang nawala sa talent fee ng aktres.
Read: Kapatid ng showbiz personality at isang pulitiko lulong sa casino
IMPORTANT LESSON
May importanteng aral na dapat matutunan ang aktres: huwag uminom ng alak at magpakalasing kapag may trabaho siya kinabukasan.
Matagal na hinintay ng aktres ang pagkakataong mapansin siya at mabigyan ng mga proyekto sa telebisyon.
Hindi niya dapat sayangin at pakawalan ang mga oportunidad na ipinagkaloob sa kanya nang dahil lamang sa pag-inom ng alak na maaaring humantong sa isang mahirap talikurang bisyo.
Dapat matuto ng leksyon ang aktres mula sa isang kamag-anak niyang nawalan ng showbiz career at magandang kinabukasan dahil nalulong sa mga bisyo.
Read: Nag-break na aktor at aktres, naka-follow pa rin sa isa't isa