Hindi na matutuloy ang paglabas ni Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules ng hapon, Marso 26, 2025.
Walang ibinigay na dahilan ang panig ng Kapuso comedian.
Noong nakaraang linggo pa kasado ang guesting ni Buboy sa showbiz talk show ni Boy Abunda.
Read: Buboy Villar introduces girlfriend, baby boy on 27th birthday
May mga hinalang may kinalaman ang isyu sa pagitan nila ng ex-partner niyang si Angillyn Gorens sa kanyang hindi matutuloy na pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mauunawaang maaaring ayaw ni Buboy na madagdagan pa ang kontrobersiya kaya, sa ngayon, pinili muna niyang manahimik at huwag sagutin ang mga akusasyon ni Angillyn.
Ayon kay Angillyn, nabawasan na ang kanyang panahon at sustento sa kanilang dalawang anak mula nang magkaroon ng sariling supling si Buboy sa bago nitong kinakasama na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano.
Read: Angillyn Gorens speaks up about Buboy Villar's new partner, baby

BUBOY VILLAR'S UPCOMING MOVIE
Kabilang si Buboy sa mga artista ng Samahan ng Mga Makasalanan, ang pelikula ng GMA Pictures na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Abril 19, 2025.
Malapit nang mangyari ang media conference ng Samahan ng Mga Makasalanan.
Inaabangan ng entertainment press kung sisipot si Buboy o paninindigan nito ang hindi pagsasalita tungkol sa problema nila ni Angillyn para hindi na lumala pa ang usapin.
Read: Kapatid ni Angillyn Gorens, tinalakan si Buboy Villar at bagong partner nito
Pinagpipistahan ng mga mahihilig sa kontrobersiya ang mga nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Buboy.
Kung sakaling magdesisyon itong dumalo sa press conference ng Samahan ng Mga Makasalanan, tiyak na siya ang pagtutuunan nang husto ng atensiyon ng entertainment writers, kahit kasama rin sa cast sina Sanya Lopez, David Licauco, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jay Ortega, Betong Sumaya, at Joel Torre.
Read: Faith Da Silva at Buboy Villar, nagkaaminan ng feelings
