Si Claudine Barretto ang gumaganap bilang Selene Vera, ang nanay ng karakter ni Aubrey Caraan, sa upcoming Viva One drama series na Avenues of the Diamond.
Nagbida na si Aubrey sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, ang pelikula nila ni Marco Gallo para sa Viva Films noong 2021.
Pero ang Avenues of the Diamond ang itinuturing niyang pinakamalaking oportunidad na kanyang natanggap dahil siya ang pangunahing aktres sa serye.
Read: Aubrey Caraan, Marco Gallo take over roles in film intended for Nadine Lustre, James Reid
AUBREY CARAAN ON HER SCENE WITH CLAUDINE AND BOBBY
Ikinuwento ni Aubrey ang pag-iyak niya sa taping ng Avenues of the Diamond dahil natakot siya sa eksena kasama sina Claudine at Bobby Andrews.
Lahad ng Viva artist: “Umiyak po ako sa takot, pero before naman po, we had the scene together.
"I’m okay, I’m doing a pretty good job naman, like one take, one take.
"Pero nung kasama ko na si Miss Claudine, like dinner scene namin with Sir Bobby Andrews, nagpa-panic na po ako inside.
"Kasi, parang hindi pa nagsi-sink sa akin na 'Omigosh, ka-work ko si Miss Claudine! Ka-work ko si Sir Bobby, tapos sila pa yung parents ko, tapos I am the lead role.'
"Parang nagpatung-patong na po yung pressure, excitement, everything.
"So, that time, I can’t act well talaga."

Pagpapatuloy ni Aubrey: “So, si Direk [Gino Santos ],parang, 'Again, again...'
"And I was so, like, nahihiya na po talaga kina Miss Claudine.
"Pero they were so nice, like, sobrang patient nila sa akin.
“Nung nilabas na ako ni Direk para kausapin ako, sabi niya, ‘How do you feel?’
“Sabi ko, ‘I’m nervous,' tapos umiyak na lang ako.
“Siguro pressure lang kasi malaking project po ito sa akin, tapos ang parents ko pa, sina Miss Claudine and Sir Bobby.
"Dun lang pumasok sa akin na this is it na talaga, like, different na ito from other projects na nagawa ko.
“But I am really, really grateful for that experience dahil kahit papaano, na-feel ko siya.”
Read: Marco Gallo, may "ipinamukha" sa leading lady na si Aubrey Caraan
AUBREY CARAAN GRATEFUL TO VIVA
Lubos naman ang pasasalamat ni Aubrey sa home studio niya dahil sa proyektong ipinagkatiwala sa kanya.
“I am really grateful, I am blessed po to be part of this. And ngayon, isa na ako sa lead actors sa series na ito,” sabi ni Aubrey.
“I am really grateful po sa Viva, of course to my bosses — kina Boss Vic, Boss Val, Boss Veronique, Boss Vincent [del Rosario], to everyone — dahil binigyan po nila ako ng ganitong opportunity.
“Ang tagal-tagal ko rin po hinintay na magkaroon ng ganitong chance sa show business, and ito na yon.
“Nape-pressure po ako pero mas nangingibabaw yung pagiging thankful ko for being part of this, for being the lead role naman.
"And yung character ko, si Sam.... She’s the social butterfly of the barkada.
"She’s an extrovert, she likes to party, to hang out with her friends.
"She’s a model here, and I think yun pa lang ang maibibigay ko."
Read: Aubrey Caraan, unang "casualty" sa Masked Singer Pilipinas