Ang hatol ng First Division ng Korte Suprema na “indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum to eight years as maximum with perpetual disqualification from holding public office” ang panibagong dagok sa buhay ng aktor at dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito.
Sa desisyon ni Associate Justice Ricardo Rosario, "guilty" ang pinagtibay na hatol kay Ejercito dahil sa pagbibigay nito ng kontrata sa First Rapid Care Ventures, isang hindi lisensyadong insurance company na pag-aari ni Marilyn Bruel, noong 2008.
Read: ER Ejercito sentenced to 6 to 8 years of imprisonment over anomalous insurance deal
Napatunayan ng korte na kapwa lumabag sina Ejercito at Bruel sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Bukod sa hindi lisensyado ang kompanya ni Bruel, hindi dumaan sa public bidding ang pagkakaloob ni Ejercito ng kontrata noong nanunungkulan pa siya bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.
NEW SETBACK FOR EJERCITO
Ang hatol na walong taong pagkakabilanggo at habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ang mga bagong pagsubok kay Ejercito.
Ipinagluluksa pa rin ni Ejercito ang pagpanaw ng kanyang asawa, ang aktres at dating Pagsanjan mayor na si Girlie “Maita” Ejercito, noong Nobyembre 3, 2024.
Dahil sa ipinataw sa kanyang parusa na “perpetual disqualification from holding public office,” marami ang naghihintay sa kahihinatnan ng kandidatura niya bilang mayor ng Pagsanjan sa halalan sa Mayo 12, 2025.
Hindi pa naglalabas si Ejercito ng pahayag tungkol sa pasya ng Supreme Court First Division.
Read: ER Ejercito, kakandidato bilang Calamba mayor; hindi natinag sa graft conviction