PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ER Ejercito, naglabas ng saloobin sa hatol ng Supreme Court

ER Ejercito, biktima umano ng "political persecution" at "selective justice."
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2025
er ejercito supreme court decision
ER Ejercito issues statement after the Supreme Court affirmed the guilty verdict on his graft case in 2008.
PHOTO/S: Gov. ER Ejercito Facebook

Buo ang paniniwala ng aktor at dating Laguna governor na si ER Ejercito na isang halimbawa ng "political persecution" at "selective justice" ang pinagtibay na desisyon ng First Division ng Supreme Court na patawan siya ng walong taong pagkakakulong at habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Ito ay dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa laban sa kanya noong 2008.

Sa desisyon ni Associate Justice Ricardo Rosario, guilty ang pinagtibay na hatol kay ER dahil sa pagbibigay nito ng kontrata sa isang hindi lisensyadong insurance company noong naglilingkod pa siya bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Read: Hatol na guilty kay ER Ejercito, kinatigan ng Korte Suprema

ER EJERCITO ISSUES STATEMENT ON FACEBOK

Isang araw matapos isapubliko ang hatol kay ER, naglabas siya ng saloobin sa kanyang Facebook page tungkol sa kasong kinasasangkutan.

“My Supreme Court case is a classic example of political persecution and selective justice,” hinaing ng actor-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ang mahabang paliwanag at apela sa mga sumusuporta sa kanya.

Tiniyak din niyang tuloy ang kanyang pagkandidato bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna ngayong 2025 elections sa kabila nito.

Saad niya (published as is): “Para po ito sa lahat ng aking mga minamahal na PAGSANJEÑO leaders / supporters / kaibigan at bashers (fake news) ng TEAM GOV./MAYOR ER EJERCITO ng PAGSANJAN, LAGUNA.

“Maging kalmado lang po tayo sa gitna ng inilabas na desisyon ng Supreme Court na nilabas sa kalagitnaan ng kampanya ko bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna.

“Ginagawa po lahat ng mga abugado ko ang paraan para manalo ako sa politically motivated na kasong ito na ikinaso sa akin ng mga desperado kong kalaban na noo’y mga miembro ng Liberal Party noon pang taong 2009 dahil sa awa ng Diyos, palagi po tayong number one sa lahat ng mga survey bilang kandidato kaya’t lagi po akong pinag-iinitan at pinababagsak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gagawin po natin ang lahat ng legal na paraan upang i-reconsider ang naging DESISYON ng SUPREME COURT.

"HINDI KO PA PO NATATANGGAP ANG OFFICIAL COPY MULA SA SUPREME COURT AT SA ORAS NA MATANGGAP KO ANG KOPYA NG DESISYON AY MAGFI-FILE NA PO AKO AGAD-AGAD NG MOTION FOR RECONSIDERATION SA SUPREME COURT.

"HUWAG PO KAYO MAG-ALALA DAHIL SUSUNOD AKO SA PROCESO NG SUPREME COURT AT MAY TIWALA AKO SA ATING JUSTICE SYSTEM AT TULOY NA TULOY PA RIN PO ANG LABAN KO BILANG KARAPAT-DAPAT NA MAYOR NG PAGSANJAN, LAGUNA!!!!!!!!!”

EJERCITO SAYS ATTACK AGAINST HIM IS POLITICALLY MOTIVATED

Nalulungkot daw si ER dahil sa bagong pagsubok na pinagdaraanan, kahit kamamatay pa lamang ng asawa niyang si Maita Ejercito na nanungkulan din noong alkalde ng Pagsanjan.

Naniniwala rin siyang kagagawan ng mga kalaban niya sa pulitika ang paulit-ulit na pag-uungkat ng kaso laban sa kanya.

Read: ER Ejercito, idinetalye ang mga huling sandali ni Maita Sanchez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag niya: “Nakakalungkot pong isipin na limang buwan pa lamang ang pagkamatay ng asawa kong si Mayora Maita Ejercito ay hinahalungkat na naman po nila ang iba't ibang kaso na pwedeng maibato sa inyong abang lingkod.

“Tuwing KAMPANYA / ELEKSYON na lamang po mula 2010, 2013, 2016, 2019, 2022 at ngayon 2025 ay nabubuhay na naman ng paulit-ulit ang ganitong mga walang kakwenta-kwentang kaso laban sa akin para perwishuhin ang kampanya ko at ang buong pamilya ko.

Mahusay po talaga mag-timing ang mga desperado kong mga kalaban sa politika sa paglabas ng mga black propaganda at fake news laban sa akin na disqualified at makukulong na daw ako kahit hindi pa ito final and executory.

“Kitang-kita naman po at malinaw po na ito ay pamumulitika / POLITICAL PERSECUTION lamang ng mga nakaupo sa posisyon dahil sa lahat ng mga kinasuhan (PITO PO KAMI) si Mayor ER Ejercito lamang po ang na-convict/guilty at ang mga TOTOONG MAY KASALANAN na mga KONSEHAL ng BAYAN ay acquitted/ not guilty (SELECTIVE JUSTICE).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakalungkot pong isipin na ang programa kong 'APAP - ACCIDENT PROTECTION AND ASSISTANCE PROGRAM' para safety and security ng ating mga turista at mga bangkero ng Pagsanjan, Laguna papuntang Shooting The Rapids / Pagsanjan Falls na may magandang layunin na makatanggap ang sinumang maaksidente o mamatay habang papunta sa Pagsanjan Falls (4AM TO 4PM) ay ginamit ng ilang politiko ng Liberal Party para pabagsakin si Gov./Mayor ER Ejercito.”

Nanindigan si Ejercito na kailanman ay hindi umano siya nagnakaw at hindi nagnegosyo nang manungkulan siya noon bilang mayor ng Pagsanjan at gobernador ng lalawigan ng Laguna.

“Dapang-dapa na po ako pero tinatadyakan pa nila ako hanggang ngayon dahil ako po ay political threat sa kanila.

“ITO PONG KASONG ITO NA 'GROSS INEXCUSABLE NEGLIGENCE' AY PAGLABAG KO DAW BILANG MAYOR, KASAMA ANG MUNICIPAL COUNCIL SA PUBLIC BIDDING PROCESS SA PAG-PILI NG KARAPAT-DAPAT NA SERVICE PROVIDER PARA SA PROGRAMANG 'APAP - ACCIDENT PROTECTION ASSISTANCE PROGRAM' PARA SA MGA TURISTA/BANGKERO NG PAGSANJAN. ITO PO AY NEGOTIATED PROCUREMENT / NEGOTIATED BIDDING DAHIL WALANG TAKER ANG GUSTONG TUMANGGAP NG KONTRATA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“SA SIYAM NA TAON KO BILANG MAYOR NG PAGSANJAN AT APAT NA TAON BILANG GOBERNADOR NG LAGUNA AY KAHIT KAILANMAN AY WALA PO AKONG NINAKAW NA PERA SA TAONG-BAYAN AT HINDI KO PO GINAWANG NEGOSYO ANG GOBYERNO.

“ASAHAN PO NINYO NA TULOY NA TULOY pa rin po ang LABAN NI MAYOR ER EJERCITO NG PAGSANJAN, LAGUNA.

"SA AKING MGA BASHERS AT WALANG TIGIL NA NANINIRA SA PAMILYA EJERCITO AY KAHIT KAILANMAN HINDI PO AKO MATITINAG NG MGA DESPERADO KONG KALABAN SA POLITIKA. MATIRA ANG MATIBAY.

"Wag nating hayaan na gawing NEGOSYO ang GOBYERNO ng Bayan ng Pagsanjan, Laguna. SAMA-SAMA nating GAWING NUMBER ONE MULI ANG MAHAL NATING PAGSANJAN."

Read: ER Ejercito, kakandidato bilang Calamba mayor; hindi natinag sa graft conviction

SANDIGANBAYAN'S GUILTY VERDICT

Noong April 5, 2019, nahatulan si ER ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa maanomalyang insurance deal na pinasukan niya nang manilbihan siyang mayor ng Pagsanjan noong 2008.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas sa imbestigasyon ng anti-graft court na in-award ni ER sa First Rapids Care Ventures ang kontrata ng insurance para sa proteksiyon sa mga turista at bangkero sa Laguna nang hindi dumaan sa public bidding.

Noong August 2019, pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nitong pagbawalan si ER na manungkulan sa public office.

Pero nagpiyansa at naghain noon ng apela ang kampo ni ER, at sinabing handa silang iakyat ang kaso sa Supreme Court kung kinakailangan.

Iniakyat ang kaso sa Supreme Court ngunit muling hindi pumabor kay ER ang hatol.

ER EJERCITO'S POLITICAL CAREER

Siyam na taong (2001-2010) umupo si ER bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.

Mula sa pagiging mayor ng Pagsanjan, kumandidato si ER na gobernador ng Laguna noong 2010 at 2013, at nanalo siya sa parehong eleksyon.

Pero pinababa siya ng Commission on Elections sa puwesto noong May 2014 dahil sa overspending charges sa kampanya niya noong 2013 mid-term elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong May 2019 elections, kumandidato pa rin si ER bilang Laguna governor, pero nabigo siyang makuha ang puwesto.

Read: ER Ejercito, dinaya kaya natalo ulit bilang Laguna governor?

Noong 2022 elections, sabay na tumakbong mayor sa Laguna si ER at ang misis niyang si Maita Sanchez (Girlie Ejercito) ngunit sa magkaibang bayan — si ER sa Calamba habang si Maita ay sa Pagsanjan.

May sagot si ER sa mga nagtanong kung hindi ba sila magkasama sa bahay ng misis niya kaya sa magkaibang bayan sila tumatakbo.

Sinabi nitong may bahay siya sa Calamba kaya lehitimo ang pagkandidato niya bilang alkalde ng nabanggit na siyudad.

Read: Mag-asawang ER Ejercito at Girlie Ejercito, tatakbong mayor sa magkaibang bayan sa Laguna

Parehong natalo sina ER at Maita sa eleksyon.

At ngayong 2025 ay tumatakbo na namang mayor si ER, at sa pagkakataong ay sa Pagsanjan niya muling napiling kumandidato.

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ER Ejercito issues statement after the Supreme Court affirmed the guilty verdict on his graft case in 2008.
PHOTO/S: Gov. ER Ejercito Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results