PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pumatay sa singer na si Selena, hindi binigyan ng parole

Yolanda Saldivar, manananatiling nakakulong makalipas ang 30 taon.
by Jojo Gabinete
Published Mar 28, 2025
yolanda saldivar selena
Thirty years after murdering Tejano singer Selena (right photo, L), Yolanda Saldivar (in both photos) was denied parole by the Texas Board of Pardons and Paroles.
PHOTO/S: Peacock Network / File

Mananatiling nakakulong si Yolanda Saldívar, 30 taon matapos niyang barilin at patayin ang Queen of Tejano Music na si Selena noong Marso 31, 1995.

Ito ay matapos tanggihan ng Texas Board of Pardons and Paroles ang kanyang parole o provisional release.

Si Selena (Selena Quintanilla-Perez) ang sikat na Latina singer noong dekada '90, at si Yolanda ang presidente ng kanyang fan club.

Read: Stand-up comedian Gold Dagal killed in Pampanga shooting

selena yolanda saldivar
The idol and the fan: Selena and Yolanda Saldivar
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkatiwala ni Selena kay Yolanda ang pamamahala sa kanyang mga negosyo, pero natuklasan niyang malaking halaga ng pera ang nawawala.

Gamit ang .38-caliber revolver, binaril ni Yolanda si Selena habang nakatalikod ito at papaalis pagkatapos nilang pag-usapan sa isang hotel ang nadispalkong pera ni Yolanda.

Nakatakbo pa si Selena at nasabi pa niya sa mga sumaklolo na si Yolanda ang bumaril sa kanya bago siya bawian ng buhay sa ospital na pinagdalhan sa kanya.

Dahil sa popularidad noon ni Selena, malaking balita ang pagpanaw niya sa edad na 23.

Libu-libong mga tagahanga ang nagpunta sa burol ng kanyang mga labi.

selena
Selena was a a Texas-born Tejana singer who rose to fame in the early '90s.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alibi noon ni Yolanda ay balak niyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili, pero si Selena ang tinamaan.

Hindi ito tinanggap ng korte.

Noong Oktubre 23, 1995, para sa salang first-degree murder, nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo, na may posibilidad ng parole matapos ng 30 taon.

Read: Darren Wang under investigation for alleged attempted murder

YOLANDA SALDIVAR'S PAROLE DENIED

Sa ika-30 anibersaryo ng pagpatay ni Yolanda kay Selena ngayong 2025, nagdesisyon ang Texas Board of Pardons and Paroles na huwag siyang palayain.

Pero muling susuriin ang kanyang parole sa 2030.

Tatlumpu't limang taong gulang si Saldivar nang gawin nito ang krimen, at 64 years old na siya sa kasalukuyan.

yolanda saldivar
Yolanda Saldivar was featured in the 2024 documentary Selena and Yolanda: The Secrets Between Them.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatlumpong taon na ang nakalilipas buhat nang mamatay si Selena pero nananatiling buhay na buhay ang alaala nito dahil sa kanyang mga awitin tulad ng "Dreaming of You," na inilabas noong Hulyo 1995, apat na buwan matapos siyang patayin ni Yolanda.

Isinalin din sa pelikula ang kuwento ng buhay ni Selena sa Selena, na pinagbidahan ni Jennifer Lopez at ipinalabas sa mga sinehan noong Marso 21, 1997.

Read: Rochelle Barrameda identifies accused in sister Ruby Rose murder

selena movie
Jennifer Lopez portrayed Selena in the biopic shown in 1997.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thirty years after murdering Tejano singer Selena (right photo, L), Yolanda Saldivar (in both photos) was denied parole by the Texas Board of Pardons and Paroles.
PHOTO/S: Peacock Network / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results