PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie, itinangging kasama sa senatorial lineup ng administrasyon

Willie Revillame, binigyan ng jacket si Manny Pacquiao sa motorcade.
by Jojo Gabinete
Published Mar 28, 2025
willie revillame 2025 elections
TV host Willie Revillame clarifies reports that he is running for senator under the administration's Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.
PHOTO/S: Willie Revillame Facebook

Hindi tooong kabilang si Willie Revillame sa senatorial lineup ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas dahil sa kumakalat na larawan nila ni House Speaker Martin Romualdez.

Luma na ang nasabing larawan.

Kuha umano ito noon pang Setyembre 2023 nang dalawin ni Willie ang kanyang mga kaibigang sina Richard Gomez at Sam Verzosa sa Kongreso.

willie revillame martin romualdez
Ang kumakalat na larawang ito nina Willie Revillame (fourth from left) at Martin Romualdez (on Willie's right) kasama ang ibang kongresista, kabilang sina Richard Gomez (second from right) at Sam Verzosa (rightmost), ay kuha umano noong 2023.
Photo/s: X (Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa paglitaw ng lumang litrato nila ni Romualdez, marami ang nag-akalang kabilang na si Willie sa mga senatorial candidate ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Cabinet Files, nilinaw ni Willie na nananatili siyang independent candidate at hindi kaanib ng anumang political party.

Read: Ang tunay na istorya sa viral video ni Willie Revillame at ng PWD

CAMPAIGN MOTORCADES OF WILLIE AND MANNY

Samantala, noong Huwebes, Marso 27, 2025, nagkasalubong ang campaign motorcades ni Willie at ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Caloocan City.

Si Pacquiao ay kabilang sa senatorial lineup ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.

Kasama ni Willie sa motorcade ang re-electionist na si Senator Bong Go, na tumatakbo naman sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP).

Nang makasalubong nina Willie ang motorcade ni Pacquiao at ng asawa nitong si Jinkee Pacquiao, nagsigawan ang mga tao ng “Duterte! Duterte!”

Habang sumisigaw ng “Duterte!” ang mga taong saksi sa nagkasalubong na motorcade nina Pacquiao at Willie, “Pahingi ng jacket!’ naman ang isinisigaw ng staff ng Pambansang Kamao sa Wil to Win host.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging trademark ni Willie ang pamimigay ng jacket sa kanyang TV show, at ipinagpapatuloy niya ito sa kampanya.

willie revillame manny pacquiao motorcade
Ang eksena nang magkasalubong ang motorcades nina senatorial candidates Willie Revillame at Bong Go at ni Manny Pacquiao sa Caloocan.
Photo/s: Willie Revillame Facebook

Hindi naman nabigo ang mga kasama ni Pacquiao dahil binigyan sila, pati na si Manny, ng mga jacket at T-shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Senator Manny Pacquiao, bigyan ng jacket yan! Bigyan ng jacket si Ma’am Jinkee! Bigyan ng jacket ang mga Pacquiao!” natatawang sabi ni Willie habang binibigyan ng jacket ang mag-asawang Pacquiao.

Read: Lino Cayetano, mala-telenobela ang congressional bid

Incidentally, ngayong Biyernes, Marso 28, ang ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isang araw bago ang kaarawan ng dating Pangulo, lumabas ang music video ni Willie na may pamagat na "Puso Para sa Bayan."

Kalakip nito ang mensahe niya kay Duterte: "Maligayang Kaarawan Mahal na Pangulo. Ipinagdadasal po namin kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Arjo Atayde, emotional sa kanyang State of the District Address

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame clarifies reports that he is running for senator under the administration's Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.
PHOTO/S: Willie Revillame Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results