Sina former Philippine President Joseph Estrada, Charo Santos-Concio, Laurice Guillen, at Lav Diaz ang mga pararangalan sa 3rd Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Sa media conference na idinaos ngayong hapon, Marso 28, sa Seda Hotel Vertis North, inanunsiyo ni FDCP Chair at CEO Jose Javier Reyes ang Lifetime Achievement Award na igagawad sa apat na personalidad dahil sa kanilang mga kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Read: FDCP chairperson Joey Reyes asked about future of Cinemalaya
Gaganapin ang 3rd Parangal ng Sining sa Seda Hotel Vertis North, Quezon City, sa Abril 11, 2025.
"Ang Mga Higante ng Kasaysayan ng Ating Pelikula: Tradisyon at Ebolusyon "ang tema ng Parangal ng Sining ngayong taon.
Bukod sa pagkilala sa mga kontribusyon nina Joseph, Laurice, Lav, at Charo, magdaraos din ang FDCP ng Tribute Screenings sa Ayala Malls Vertis North Cinema sa Abril 10 at Abril 12.
Tampok dito ang mga obra ng apat na Lifetime Achievement Award recipients.
Mapapanood sa Tribute Screenings ang unang pelikula ni Charo na Itim (1976); ang Tanging Yaman (2000) na idinirek ni Laurice at pinagbidahan ni Gloria Romero; ang Ang Babaeng Humayo (2016) na idinirek ni Lav tampok sina Charo at John Lloyd Cruz; at ang Sa Kuko ng Agila (1989) na pinagbidahan ni Joseph.
Read: Aguila screened at 4th Philippine Film Industry Month opening




ANNUAL ACHIEVEMENT AWARD
Kabilang naman sa gagawaran ng FDCP ng Annual Achievement Award si Judy Ann Santos, na nagwaging best actress sa 45th Fantasporto International Film Festival ng Portugal noong Marso 9, 2025.
Read: Judy Ann Santos, best actress sa Fantasporto 2025
Pati na ang mga pelikulang Iti Mapukpukaw (The Missing) ng direktor na si Carl Joseph Papa at Sunshine na mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.
Parehong nanalo ng parangal sa mga international film festival ang dalawang pelikula.
Nilinaw ni Chair Joey Reyes ang pagpili ng FDCP sa mga pagkakalooban ng Annual Achievement Awards.
“Itong tatlong ito ang Annual Awardees namin. May mga magsasabi, merong ibang nanalo, pero we only acknowledge those who won in major festivals,” sabi niya.
May paliwanag din si Reyes tungkol sa hindi pagbibigay ng FDCP ng parangal sa mga National Artist ng bansa.
Aniya: “May mga nagtatanong, 'What about the others, yung mga National Artist?'
"Bakit naman kami magbibigay ng award to somebody who received the highest award in the country?
"It is not to put aside the achievements of the National Artists, but they’re already National Artists.
"Nobody can get a higher award than being a National Artist."
Read: Joey Reyes on FDCP budget, film restoration, new building