PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa, nag-react sa surveys sa mayoral race sa Maynila

Sam Verzosa, handa na raw sa magiging resulta ng eleksyon.
by Jojo Gabinete
Published Mar 30, 2025
sam verzosa campaign
Sam Verzosa: “Kung ito talaga ang tadhana ko at dito ako dinala ng Diyos, mangyayari at mangyayari yung mga dapat mangyari... Ang hindi ko lang ine-expect, sobrang dumi pala ng pulitika. Ibang level ang techniques. Grabe ang mga paninira."
PHOTO/S: Sam SV Verzosa Facebook

Ang rap icon na si Andrew E. ang tanging showbiz personality na imbitadong nagtanghal sa kampanya ni Manila mayoral candidate Sam Verzosa sa Dagupan Street, Tondo, Manila, sa unang araw ng opisyal na pangangampanya ng mga kandidato para sa mga lokal na posisyon noong Biyernes, Marso 28, 2025.

Ikinuwento ni Sam sa Cabinet Files na nahihiya siya kay Andrew dahil hindi ito naningil ng talent fee.

Diumano, hindi nagpabayad si Andrew sa pagtatanghal nito na tumagal ng halos isang oras na ikinatuwa ng mga taong nakisabay sa pagkanta niya.

Read: Vic Sotto, tinawag na "susunod na Presidente" ang anak na si Vico

andrew e sam verzosa campaign
Andrew E. performs during the kick-off of Sam Verzosa's campaign.
Photo/s: Sam Verzosa Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mapag-usapan ang kanyang kandidatura, sinabi ni Sam na handa na siya sa magiging resulta sa halalang magaganap sa Mayo 12, 2025.

Pero pagkatapos ng eleksyon, isang bagay raw ang may katiyakan — magbabalik sa GMA-7 ang public-service program niyang Dear SV.

Sabi ni Sam: “Kung ito talaga ang tadhana ko at dito ako dinala ng Diyos, mangyayari at mangyayari yung mga dapat mangyari.

“Lahat ng life experiences ko, I am preparing for this moment.

"Ang hindi ko lang ine-expect, sobrang dumi pala ng pulitika. Ibang level ang techniques. Grabe ang mga paninira."

Read: Willie, itinangging kasama sa senatorial lineup ng administrasyon

SURCEY: VERZOSA VS MORENO?

Nagbigay rin ng reaksiyon si Sam tungkol sa isyung, base sa mga survey, silang dalawa ng aktor at former Manila City mayor na si Isko Moreno ang mahigpit na magkatunggali sa mayoralty bid nila.

Pahayag niya: “Ang tunay na survey e yung pagdagsa ng mga tao sa mga lugar sa Maynila na pinupuntahan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung pang-araw- raw na binababaan ko, limang libo, sampung libo ang mga tao, naka-live, walang edit.

“It’s all raw, live. Simula sa paglalakad ko sa likod papunta sa harap, sobrang dami ng mga tao. Nagkakagulo, libu-libo, walang daya.

"Yung speech ko, hindi mo lang maririnig, mararamdaman mo ako.

"Yun ang gusto kong ipakita sa mga kababayan ko, yung authenticity.

“Yung sinseridad ko sa kanila at sa almost ten months na pag-iikot ko sa Maynila, marami na akong nakilala.

"Marami na akong nakausap, marami nang nakarinig at nakaramdam ng aking mensaheng pag-asa at pagbabago.”

Tumatakbo rin para sa kanyang second term ang incumbent Manila mayor na si Honey Lacuña.

Read: Sam Verzosa, sinagot ang mga patutsada sa kanya ni Isko Moreno

sam verzosa campaign
Sam Verzosa begins his campaign for mayoral race in Manila.
Photo/s: Sam Verzosa Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa: “Kung ito talaga ang tadhana ko at dito ako dinala ng Diyos, mangyayari at mangyayari yung mga dapat mangyari... Ang hindi ko lang ine-expect, sobrang dumi pala ng pulitika. Ibang level ang techniques. Grabe ang mga paninira."
PHOTO/S: Sam SV Verzosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results