Maraming showbiz personalities ang naghain ng kandidatura para sa iba’t ibang posisyon noong Oktubre 2024 para sa halalang magaganap sa Mayo 12, 2025.
Pero may ilan sa kanila ang hindi itinuloy ang planong pagtakbo.
Mula sa isang mapagkakatiwalaang source, umatras sa pagkandidato si Showbiz Personality A dahil hindi pinagbigyan ng kanyang kinaanibang partido ang hiling niyang bayaran siya ng malaking halaga ng pera, kapalit ang pagpayag tumakbo para sa isang lokal na posisyon.
Read: Talent manager, ibinalandra sa FB ang gay comedian na may utang
Hindi masisisi si Showbiz Personality A sa hinihiling nito dahil ang kanyang kabuhayan ang nakataya.
Kapag itinuloy niya ang pagtakbo, nangangahulugan itong hindi siya puwedeng tumanggap ng mga acting assignment dahil ipinagbabawal sa panahon ng kampanya na mapanood sa telebisyon ang mga kandidato.
SHOWBIZ PERSONALITY B
Iba naman ang kaso ni Showbiz Personality B na hindi na talaga naghain ng kandidatura noong Oktubre 2024 dahil nalaman niya agad na hindi maibibigay ang kanyang hinihinging pera.
Naging matalino si Showbiz Personality B, na napabalita noong tatakbo, dahil patuloy siyang napapanood sa telebisyon.
Nakaiwas si Showbiz Personality B sa mga tanong kung bakit hindi ito natuloy sa pagkandidato dahil hindi siya naghain ng Certificate of Candidacy kaya walang anumang ebidensiya ng kanyang pag-atras.
Read: Dalawang aktor, AI ang palusot sa kumakalat nilang video scandals
Para sa mga interesadong malaman ang halaga ng perang hinihingi ng dalawang showbiz personalities mula sa kanilang mga partido, umabot ito hanggang dalawampung milyong piso.
Malaking halaga ang pinag-uusapan dahil bukod sa maaapektuhan ang mga trabaho nila bilang mga artista, naging segurista lamang ang mga showbiz personality na sangkot sa isyu.
Kung sakaling matalo sila, hindi masyadong masakit ang kanilang mararamdaman dahil malaki ang kabayarang tinanggap nila.
Read: TV host-actress na gumon sa sugal, banned na sa sikat na casino