PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang, kilala ang dalawang pilotong nasawi sa plane crash

Ronnie Liang, nagdadalamhati sa pagpanaw ng mga kasamahang piloto.
by Jojo Gabinete
Published Apr 2, 2025
ronnie liang lingayen plane crash
Ronnie Liang personally knew the two pilots who were killed in Cessna plane crash in Lingayen, Pangasinan: “Grabe ang panghihinayang ko dahil naisip ko ang effort, pagod, training at gastos nila para sa kanilang pangarap na maging piloto. Tapos nagkaroon sila ng aksidente sa flight training nila."
PHOTO/S: PNP Air Unit / Ronnie Liang Instagram

Ikinabigla at ikinalungkot nang husto si Ronnie Liang ang trahedyang nangyari sa Lingayen, Pangasinan, noong Linggo, Marso 30, 2025.

Bumagsak ang Cessna 152 plane na pinalilipad ng pilotong si Capt. Nikko Manogan at ng student pilot na si Bryan Allen Ocang.

Nabigla at nalungkot si Ronnie dahil bukod sa madalas na pagpapalipad nito sa bumagsak na eroplano, kilala niya nang personal ang mga biktima na kapwa niya piloto.

Read: Ronnie Liang within reach of becoming a commercial pilot

Pagbabahagi niya sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files: “Grabe ang pagkalungkot ko dahil sa mga kasamahan kong piloto na nasawi, kaya nakikiramay ako sa mga naulilang pamilya nina Captain Nikko at Flight Crew Bryan.

“Yung flight instructor, si Capt. Nikko, kilala ko dahil nakasama ko siya sa aviation school. Mabuting tao siya at mahusay makisama.

"Yung kasama niya, si FC Bryan, isa sa mga student pilot namin at nakatakda nang magkaroon ng solo flight at mabigyan ng wings, meaning makakaya na niyang magpalipad ng eroplano na mag-isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ronnie Liang 'invests' in PhD degree: "Hindi po ako forever artista."

RONNIE LIANG USED TO FLY CESSNA PLANE

Matindi ang panghihinayang na nararamdaman ni Ronnie dahil sa malagim na trahedyang nangyari.

Saad niya: “Grabe ang panghihinayang ko dahil naisip ko ang effort, pagod, training at gastos nila para sa kanilang pangarap na maging piloto.

“Tapos nagkaroon sila ng aksidente sa flight training nila."

Ibinahagi rin ni Ronnie na naranasan na niyang paliparin ang bumagsak na eroplano.

“I usually fly that plane too," sabi niya.

"May times na ginagamit ko rin sa pagpapalipad ang eroplanong bumagsak dahil sa training ko para sa aking commercial pilot license.

“Mabuti na lang, naging busy din ako sa mga show at taping kaya hindi ako makapag-schedule ng training.

“Kapag nagpapa-schedule naman ako ng paglipad, dine-decline palagi dahil priority ang mga baguhan sa pilot training.

“It could have been me kaya palagi akong nagdarasal bago lumipad. Pero naniniwala ako na kung time ko na, time ko na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ronnie Liang fulfills dream to become licensed pilot

SAFETY PRECAUTIONS

Ayon kay Ronnie, nakatanggap siya ng mga tawag sa cellphone nang mapabalita ang pagbagsak ng eroplano sa Lingayen, Pangasinan, noong Linggo.

Lahad niya: “Marami ang tumawag sa akin. Panay ang ring ng phone ko dahil marami ang nag-alala nung mabalitaan nila ang nangyari.

“Hindi rin ako makapaniwala dahil, usually, mahigpit ang aviation schools when it comes to safety and standards.

“They always check the aircraft, if maayos at bago ang parts.

"Yung mga flight instructors are very competent, magagaling, at mahuhusay sila.

“May time nga po na hindi ako pinapalipad ng head of training dahil expired na ang medical license ko na na-overlook ko at hindi ko naipa-renew.

“Pinauwi niya ako kahit nanggaling pa ako sa Maynila at bumiyahe sa Pangasinan para sa training ko."

Dagdag pa ni Ronnie: “Sa ngayon, hindi pa po namin alam ang pinaka-cause ng accident noong March 30.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Waiting pa kami sa resulta ng investigation ng Civil Aviation Authority [CAAP].”

Read: Pinoy police officer, kabilang sa nasawi sa D.C. plane crash

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang personally knew the two pilots who were killed in Cessna plane crash in Lingayen, Pangasinan: “Grabe ang panghihinayang ko dahil naisip ko ang effort, pagod, training at gastos nila para sa kanilang pangarap na maging piloto. Tapos nagkaroon sila ng aksidente sa flight training nila."
PHOTO/S: PNP Air Unit / Ronnie Liang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results