Exclusive story ng People magazine na lalabas sa Biyernes, Abril 4, 2025 ang panayam sa Filipina actress-singer at Broadway star na si Lea Salonga tungkol sa kanyang anak na si Nic Chien.
"A Fierce Ally to Her Trans Child" ang pamagat ng artikulo na isinulat ni Jack Smart.
Tinatalakay nito ang tungkol sa relasyon ng mag-ina at ang hindi mapapantayang pagmamahal, suporta, at pang-unawa na ibinibigay ni Lea sa kanyang 18-year-old transgender son.
Labing-apat na taon si Nic nang mapagtanto nito ang tunay na pagkatao.
Noong Enero 2025, sa edad na 18, sinimulan na niya ang pag-inom ng testosterone para sa kanyang transition bilang lalaki.
Read: Lea Salonga to daughter Nicole: "Be your own person."
LEA TALKS ABOUT TRANS SON NIC CHIEN ON PEOPLE
Mababasa sa artikulo ng People ang kuwento ni Nic tungkol sa pagtatapat niya sa kanyang magulang na tinanggap ang katotohanan nang walang anumang pag-aalinlangan.
Sa tanong tungkol sa reaksiyon ng kanyang asawang si Rob Chien tungkol sa rebelasyon ng kanilang anak, “The dad is incredibly supportive,” sagot ni Lea.
Ibinahagi ni Lea sa kanyang Instagram account ang panayam sa kanila ni Nic na ilalabas ng People, at ang pasasalamat niya.
“Thank you @people for sharing our story! The new issue of PEOPLE is on newsstands nationwide Friday,” mensahe ni Lea, na tumanggap ng mga positibong komento mula sa kanyang social media followers.
Read: Lea Salonga addresses dressing-room incident with Pinoy fans in Broadway
View this post on Instagram