Isyu para sa ilang netizens ang magkahiwalay na pagdating nina McCoy de Leon at Elisse Joson sa ABS-CBN Ball 2025 na naganap sa Solaire Resort North, Quezon City, noong Biyernes, Abril 4, 2025.
Sari-sari ang mga haka-hakang kumakalat dahil may mga nagmamalisya na maaaring may problema sa relasyon nina McCoy at Elisse kaya hindi sila magkasabay dumating sa annual event ng Kapamilya network.
Read: Candid moments caught on the red carpet of ABS-CBN Ball 2025
View this post on Instagram
Isang malapit kay McCoy ang nakausap ng Cabinet Files at siya ang nagpaliwanag tungkol sa hindi magkasamang pagdalo ng magkarelasyon sa ABS-CBN Ball.
Sinabi ng Cabinet Files source na nauna ang pagdating ni McCoy sa pinagdausan ng pagtitipon dahil kasama niya ang ibang mga artista ng FPJ's Batang Quiapo.
Diumano, may kasunduan ang cast ng Batang Quiapo na magkakasunod ang paglalakad nila sa red carpet.
“Okay sina McCoy at Elisse,” paniniguro pa ng taong nakausap ng Cabinet Files, kaya walang dahilan para mabahala ang mga nag-iisip na baka may problema kaya hindi sila magkasamang dumating sa ABS-CBN Ball.
Read: Daniel at Kyle, nagkainitan sa after-party ng ABS-CBN Ball?
Isa si McCoy sa mga original cast member ng Batang Quiapo, at ang kanyang mahusay na pagganap sa karakter ni David ang dahilan kaya humaba nang humaba ang partisipasyon niya sa action-drama series na pinangungunahan ni Coco Martin.
View this post on Instagram
ANGEL AQUINO AND MALU SEVILLA
Magkasabay at magkasama namang dumalo sa ABS-CBN Ball si Angel Aquino at ang Batang Quiapo co-director na si Malu Sevilla.
Gaya ni McCoy, mainstay rin si Angel ng Batang Quiapo at matalik silang magkaibigan ni Sevilla, bukod sa pagiging direktor nito ng top-rating program ng Kapamilya Channel.
Read: Kathryn, Daniel, Andrea, nagkita-kita kaya sa ABS-CBN Ball?